137 : Stolen

266 13 8
                                    

Mina's Pov :

Habang sumasailalim sa operasyon si Chaeyoung sa mga oras na 'to, hindi ko mapigilang makaramdam nang sobrang pag-alala. Kasalukuyan din namang nagpapagaling sina Momo at Jeongyeon mula sa mga natamo nilang pambubugbog.

Nangangatal-ngatal pa rin ang mga kamay ko habang naghihintay sa waiting area. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari.

Naaalala ko pa rin kung paano saluhin ni Chaeyoung ang bala ng baril na dapat ay sa akin tatama. Parang huminto ang mundo ko sa mga oras na 'yon.

Habang yakap-yakap si Chaeyoung na walang malay kanina, wala akong ibang ginusto kundi ang imulat niyang muli ang mga mata niya.

Takot na takot ako nang tuluyan na siyang mawalan nang malay. Nang ini-check ko ang pulso niya, mas dumami ang luhang pumatak mula sa mata ko. Paulit-ulit kong isinisigaw ang pangalan niya, umaasang magigising pa siya.

Akala ko wala na talaga. Akala ko imposible nang muling marinig ang boses niya. Akala ko tuluyan na akong nabigo na protektahan siya. Pero nawala ang lahat ng akala na 'yon nang bigla niyang imulat ang mata niya.

Hindi ako makapaniwala na buhay pa siya noong mga oras na 'yon. Alam ko sa sarili kong wala na siyang pulso noon. Parang isang himala na muli siyang nagkaroon ng buhay. Kahit na punong-puno ako ng pagtataka kanina, ginawa namin ang lahat upang maisugod siya agad sa hospital dahil nawalan na naman siya ng malay.

"Rey ---Reyna ko." Tinawag niya akong reyna niya kanina nang mistulang muli siyang magka-pulso. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung bakit tinawag niya ako nang ganon.

Hindi mawala sa isipan kong maikonekta 'yon sa bagay na minsang napanaginipan ko noon. Pamilyar ang sinabi niyang 'yon. Pinagkamalan pa nga akong adik ni Tzuyu nang ikuwento ko sa kanya ang panaginip na 'yon. Nagkataon lang ba o talagang may kahina-hinala sa sinabi niyang 'yon?

Ipinikit ko ang mata ko upang mas makapagconcentrate sa pag-alala ng panaginip kong 'yon.

Sa panaginip kong 'yon, kasama ko ang taong kamukha ni Chaeyoung. Para kaming nasa sinaunang panahon. Reyna ako sa panaginip na 'yon. Kasintahan ko naman ang kamukha ni Chaeyoung na mistulang isang sundalo. Hindi ko maikakaila na damang-dama ko yung pagmamahal na sakin ng sundalong kamukha ni Chaeyoung sa panaginip na 'yon.

Masyado ko lang bang namiss si Chaeyoung noon kaya napanaginipan ko 'yon? Nago-overthink lang ba ako ngayon? Stressed lang ba ako kaya kung ano-ano na namang naiisip ko? Aish. Hindi ko na alam.

"Mina Unnie." Nahinto ang pagmumumi-muni ko nang marinig ko si Tzuyu.

"Ah. Ikaw pala, Tzuyu. Ku ---Kumusta?" Agad siyang umupo sa tabi ko.

"Tinawagan ko si Nayeon. Ibinalita ko sa kanya ang mga nangyari. Ibinilin ko na siya na muna ang bahala kay Sana. Isa pa, nagpadala ako ng mga pulis upang sunduin sila at ihatid sa mansion ni Dahyun. Masyadong delikado kung mananatili sila sa lugar na 'yon."

"Ga ---Ganon ba? Salamat, Tzuyu."

"Sinabi ko rin kay Nayeon na huwag munang pumunta dito. Kailangan din nila ng pahinga lalong-lalo na si Sana. Sinabi ko naman kay Nayeon na tayo na muna ang bahala kay Jeongyeon." Dagdag ni Tzuyu.

"Ah. Tungkol kay Dad, alam na ba ni Mom?" Matipid na tanong ko dahil hindi ko alam kung paano ba ang gagawin namin sa mga nangyari.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon