Lumipas ang mga araw ng paglalakbay nang magkasama, mas napalapit si Dahyun at Anna sa isa't-isa. Unti-unting nagnunumbalik ang dating ngiti ni Dahyun.
Kasalukuyan silang nakaupo sa isang tabi habang pinagpapahinga rin ang dalawang kabayo na sinasakyan nila.
"Anna, Gusto mong pagkarerahin natin yung dalawang kabayo na sinasakyan natin?" Agad na napailing si Anna sabay kuha sa papel at pluma niya.
"Nababaliw ka na naman, Dahyun. Huminto nga tayo sa paglalakbay upang pagpahingahin din muna ang dalawang kabayong 'yon."
"Eto naman. Hindi na mabiro. Sungit. Haha." Natatawang sabi ni Dahyun kay Anna. Sandaling natigilan si Anna upang pagmasdan ang ngiting meron si Dahyun sa mga oras na 'to.
"Masaya akong unti-unti nang bumabalik ang sigla at saya mo. Kung ganyang ngiti ang palaging makikita ko sayo, siguro mas gaganahan ako lalong maglakbay kahit gaano katagal o kalayo."
"At sinong nagsabi na maglalakbay na lang tayo nang maglalakbay?" Bungad ni Dahyun kaya naman napatingin si Anna sa kanya.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Napagdesisyonan ko nang mas makabubuti kung babalik muna tayo sa kampo upang alamin ang kalagayan nila doon."
"Babalik na tayo?"
"Alam kong nasisiyahan kang makasama ako sa paglalakbay na 'to pero kailangan na rin nating bumalik. Sigurado akong nag-aalala na din si Tatang Jinyoung sayo." Tinapik ni Dahyun ang ulo ni Anna kaya naman agad na napakunot ang noo nito sa kanya.
"Matanong kita, Dahyun. Hindi mo masyadong naikukwento sakin ang magulang mo."
"Magulang ko? Hindi ko na naabutan ang nanay ko. Sa tuwing tinatanong ko ang tatay ko tungkol sa nanay ko, nawawalan siya nang ganang makipag-usap kaya naman hindi na ako nagpupumilit pa noon. Mamamayan kami ng pamahalaan noong kabataan ko. Kaso simula nang pumanaw ang tatay ko, kinailangan ko nang tumayo sa sariling paa ko. Nagdesisyon akong magsilbi sa pamahalaan. At doon na nagsimula ang panibagong yugto ng buhay ko." Kwento ni Dahyun kay Anna na taimtim na nakikinig sa kanya.
"Ni isang beses hindi mo nakilala nang personal ang nanay mo?"
"Nakakalungkot mang sabihin pero parang ganon na nga. Ni hindi ko alam kung anong pangalan o itsura man lang niya. Hindi ako nakakuha ng sapat na impormasyon kay Ama noon tungkol sa kanya. Inisip ko na lang na baka patay na siya. Inisip ko na lang na siguro iniwan niya kami. Siguro hindi kami ganon kaimportante kaya ni isang beses, hindi siya nagpakita sakin." Pagpapatuloy ni Dahyun.
"Sigurado kong labis parin ang pangungulila mo sa kanila."
"Sobra-sobra. Pakiramdam ko may kulang parin sa buhay ko dahil hindi ko nakilala ang nanay ko. Kaya ikaw, palagi mong sulitin ang mga oras na kasama mo si Tatang Jinyoung. Sigurado din naman akong gusto mo na ulit makita si Tatang Jinyoung." Napapangiting sabi ni Dahyun sabay hawak na sa kamay ni Anna.
Napatingin na lamang sa kanya ang dalaga na tila ba nagtataka kung ano na ba ang magiging susunod na kilos nila.
"Panahon na para bumalik tayo sa kampo ngayon." Nakangiting sabi ni Dahyun kaya naman napangiti na lang din ang dalaga sa kanya.
Akma na sana silang sasakay sa kabayo nang bigla silang makarinig ng yabag ng paparating na kabayo. Sa di kalayuan, napahinto ang kabayong namataan nila na may sakay na isang taong hindi nila inaasahang makakasalamuha sa mga oras na 'to.
"Dahyun, A ---Anna." Agad na bumaba sa kabayo si Moira. Nakakabingi ang sobrang katahimikan. Sa mabilis na segundong 'yon, nakaramdam ng kaba si Anna.
"Traydor ka!" Ikinabigla ni Anna ang biglaang pagsigaw ni Dahyun sabay akmang kukuha sa espada niya upang sugurin si Moira na agad din namang napataaras.
"Da ---Dahyun, Hindi ko sinasadya ang nangyari. Patawarin mo ko." Natitigilang pagpapaliwanag ni Moira. Agad na hinawakan ni Anna sa braso si Dahyun upang pigilan ito na tuluyang makalapit kay Moira dahil baka kung ano pang mangyari sa sagupaan ng dalawang may hindi pagkakaintindihan.
Gustuhin man niyang tanungin si Moira kung bakit mag-isa siyang naglilibot, hindi niya magawa. Hindi siya makakapagsulat sa ganitong sitwasyon. Kailangan niyang siguraduhin na hindi sila magkakasakitan.
"Dahil sayo namatay ang mga kaibigan ko! Masaya ka na?! Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo 'to!" Sigaw ni Dahyun dahilan para lalong mag-alala si Anna.
"Tama ka. Siguraduhin mong pagsisisihan ko 'to. Tatanggapin ko lahat ng sakit na gusto mong ipadanas sakin. At huwag kang mag-alala, sisiguraduhin ko ding pagbabayaran ko 'tong mga nagawa kong kasalanan sayo. Mag-ingat kayong dalawa. Huwag na huwag mong pababayaan si Anna. Bumalik na kayo sa kampo. Huwag kang mag-alala. Sa oras na bumalik kayo doon, hinding-hindi niyo na ako makikita pang muli sa lugar na 'yon. Nagdesisyon na akong magpakalayo-layo."
"Sabihin mo, tumatakas ka sa mga kasalanang nagawa mo!"
"Isipin niyo na kung anong gusto niyong isipin. Pagod na rin naman akong magpaliwanag. Pagod na akong ipagtanggol ang sarili ko at ang mga dahilan kung bakit nagawa ko ang lahat nang 'yon. Paalam sa inyong dalawa."
"Siguraduhin mong hinding-hindi na tayo muling magkikita dahil kapag nangyari 'yon, hindi na ako magdadalawang-isip na saktan ka!" Galit na sabi ni Dahyun dahilan para mas humigpit ang kapit ni Anna sa kanya.
"Kung sakaling magkita man tayong muli, huwag kang mag-alala. Ipapakita ko sayo na pinagsisisihan kong may napahamak dahil sa mga kamalian ko." Sagot ni Moira sabay sakay nang muli sa kabayo. Nang tuluyang maglaho sa paningin si Moira, agad na napalingon si Dahyun kay Anna na tila may nararamdamang kakaiba.
"A ---Anna? Ayos ka lang ba?" Nakaramdam ng pagkabahala si Dahyun nang mapansin niyang tila nanghihina si Anna.
"Anna? Naririnig mo ba ako? Anna!" Maya-maya, tuluyan nang nawalan nang malay si Anna. Mabuti na lamang ay agad siyang nasalo ni Dahyun.
Sa puntong 'yon, ginawa ni Dahyun ang lahat upang gisingin si Anna.
Makalipas ang ilang minuto, agad din namang nagkamalay muli si Anna.
"Anna? Ayos ka lang ba? Anong nangyayari sayo? May masakit ba sayo, Anna?" Nag-aalalang tanong ni Dahyun. Nagulat na lamang siya nang yakapin siya ni Anna nang mahigpit kaya naman natigilan siya.
"Hihintayin ko munang makapagpahinga ka nang maayos bago tayo bumalik sa kampo, Anna." Nasabi na lamang ni Dahyun habang abala sa pag-alalay kay Anna.
- To be Continued -
A/N : Para sa lovely members ng gc. 💕
Vote.Comment.Share
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...