105 : Pagkalanta

350 13 16
                                    

Dahyun's Pov :

Sa pagbalik ko sa mansion, naabutan ko si Chaeyoung na katawagan si Mina sa phone kaya naman minabuti kong huwag na muna silang abalahin.

Nakita ako ni Chaeyoung kaya tumango na lamang siya sakin habang abala parin sa pakikipag-usap kay Mina. Alam ko namang namiss niya nang sobra si Mina.

Nagdesisyon na muna akong maligo't mag-ayos ng sarili. Napalingon ako sa repleksyon ko sa salamin. Bigla kong naalala ang panaginip ko tungkol kay Moira at Kyulkyung.

Napagtanto ko na ni hindi ko alam kung ano bang kinahantungan ng buhay nila Moira noon. May mga ala-ala parin talagang hindi klaro sa aking isipan.

At dahil sa kagustuhan kong malaman ang katotohanan sa nangyari kila Moira noon, nagmadali akong lumabas ng kwarto. Sinalubong ako ni Chaeyoung na mukhang tapos nang makipag-usap kay Mina sa phone.

"Aalis ka ulit?" Tanong niya sakin.

"May kailangan lang akong asikasuhin."

"Ipagdrive na kita."

"Hindi na, Chaeyoung. Salamat na lang. Kaya ko naman na ang sarili ko. Magpahinga ka na lang muna. Paano? Marami pa akong kailangang ayusin." Tinapik ko siya sa balikat bago tuluyang lumabas ng mansion.

Dali-dali akong sumakay ng kotse papunta sa flower farm kung saan maaari kong makita si Jihyo. Pansin ko kasi na madalas siyang nasa flower farm nitong mga nakaraan.

Alam kong madalas siyang sumulpot sa kung saan-saan ngunit nitong mga nakaraan, madalang lamang siyang magpakita sakin. May mga pinagkakaabalahan din kaya siya ngayon?

Sa pagdating ko sa flower farm, tanghaling tapat na. Mabuti na lamang walang trabaho ngayon ang mga inatasan kong mangalaga sa flower farm.

Hindi pumalpak ang hinala ko. Natanawan ko si Jihyo na mag-isang nakaupo sa isang tabi. Kaharap na naman niya yung camellia flower na sumusulpot kung saan-saan dito sa flower farm.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi pa man din ako nakakapagsalita, inunahan na niya ako. Ang lakas naman ng pakiramdam niya.

"Ah. Pwede ka bang makausap, Jihyo?" Agad akong naupo sa tabi niya.

"Tungkol saan?" Nakayukong tanong niya.

"Tungkol kay Moira." Agad siyang napalingon sakin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Marami pa ring katanungan sa aking isipan, Jihyo. Kulang-kulang ang impormasyon o ala-ala na meron ako tungkol sa aking nakaraan. Naisip ko na baka pwede akong magtanong sayo."

"Ano bang nais mong itanong?"

"Pinatay ba ng Pinuno ng Pamahalaan si Moira?" Parang naalerto si Jihyo sa narinig mula sakin.

"Saan mo nakalap ang impormasyong 'yan?" Gulat na tanong niya.

"Napanaginipan ko siya kasama ni Kyulkyung. Nakahandusay siya sa sahig. Halos maligo sa sariling dugo. Umiiyak si Kyulkyung. Gusto kong malaman kung panaginip lang ba talaga 'yon o tunay na nangyari sa nakaraan?"

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon