29 : Moira

429 13 4
                                    

Ilang oras na paglilibot ang ginawa ni Dahyun sakay ng kanyang kabayo. Inabot na siya ng tanghali sa kakahanap sa kampo ng mga rebelde. Tirik na tirik ang araw. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagkauhaw at pagkagutom.

Hihinto na muna sana siya sa paglalakbay upang magpahinga nang maalala niya ang kalagayan ng kaibigang si Kyungwan.

"Hindi pwedeng mag-aksaya ng oras." Nasabi na lamang niya sa kanyang sarili bago pilitin ang sarili. Lumipas pa ang ilang oras, ramdam na ramdam na niya ang sobrang pagkapagod hanggang sa dumating ang hindi niya inaasahang mangyari.

"Kim Dahyun!" Nanlaki ang mata niya nang matuklasang natunton siya ng ilang sundalo ng pamahalaan ng kanilang Pinuno. Nakaramdam siya ng sobrang kaba. Hindi maaaring malaman ng mga sundalo kung saan kasalukuyang nagtatago sila Kyungwan at Nabong. Kailangan niyang gumawa ng paraan.

"Hulihin niyo ko kung kaya niyo!" Sigaw niya bago simulang patakbuhin nang mabilis ang kabayong sinasakyan. Kailangan niyang mailayo ang mga sundalo sa kinaroroonan ng mga kaibigan. Agad namang siyang hinabol ng ilang sundalo na nakasakay rin sa kani-kanilang mga kabayo.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, nakaramdam siya ng sobrang pagkahilo dahilan para makabitaw siya sa pagkakakapit sa sinasakyang kabayo.

Hindi agad siya nakabangon mula sa pagkakabagsak sa lupa dahil sa sobrang pagkahilo.

"Sumuko ka na, Kim Dahyun." Rinig niyang sigaw ng mga humahabol sa kanyang sundalo. Naisip niyang ito na nga ba ang kanyang katapusan? Hindi pwede.

"Ka --- Kailangan kong bumangon." Nahihilong sabi niya habang pinipilit parin ang sariling katawan. Nang pwersahin ang sariling makatayo, agad niyang ihinanda ang kanyang espada upang ipagtanggol ang kanyang sarili mula sa mga sundalong nais siyang dakipin.

"Hindi ka na makakatakas ngayon. Nasaan ang dalawa pang kasama mo? Ang mga traydor na tulad niyo ay dapat na napaparusahan!" Nang sugurin siya ng isa sa mga sundalo, nagawa niyang umilag.

"Hinding-hindi ko hahayaan na saktan niyo ulit sila. Kailangan niyo munang dumaan sakin bago niyo sila masaktan!" Matapang na sagot niya habang patuloy sa pag-ilag at pagdepensa mula sa mga atake na papalapit sa kanya.

Kahit na nakakaramdam ng pagkahilo'y ginawa parin niya ang kanyang makakaya upang manatiling buhay. Ngunit sa huli, tuluyan nang bumigay ang katawan niya dahil na rin sa pagkapagod at pagkagutom.

"Katapusan mo na. Traydor ka!" Ni hindi na niya nagawang kumilos pa. Nakatingin na lamang siya sa mga ulap habang siya'y nakahilata sa lupa. Ilang sandali pa'y naramdaman na niya ang dahan-dahang paglapit ng mga sundalo sa kanya. Naisip niya, ito na nga ba ang huling hininga niya? Magagawa pa kaya niyang balikan sila Nabong na naghihintay sa kanya?

"Nabong at Kyungwan." Mahina niyang pagkakasabi kasabay ng pagbigat ng kanyang mata. Sa mabilis na sandali, may kakaiba siyang naaninagan na tila lumilipad sa paligid niya. Isang magandang paru-paro.

"May rebelde!" Narinig ni Dahyun ang malakas na pagkakasigaw ng isa sa mga sundalong nakalaban niya. Nilingon niya kung ano ba ang ibig nilang sabihin. Naaninagan niya ang grupo ng mga taong may kanya-kanyang armas na agad ring nakipagsagupaan sa mga sundalong dapat ay tatapos sa kanyang buhay.

Dahil mas marami ang mga rebelde, nagawa nilang matalo't mawakasan ang buhay ng mga sundalo ng pamahalaan. Dahan-dahang lumapit kay Dahyun ang isa sa mga rebelde.

"Sino ka? Anong kinalaman mo sa mga sundalong pinatay namin? Bakit kinakalaban ka nila?" Seryosong tanong nito sa kanya.

"Tu --- Tulong." Huling nasabi ni Dahyun bago tuluyang mawalan ng malay. Nang magising siya, ikinagulat niya ang kinaroroonan niya. Kasalukuyan siyang nakahiga sa higaan sa loob ng isang maliit na bahay-kubo. Agad ko ring napansin na madilim na sa labas. Gabi na pala.

"Gising ka na pala." Nagulat na lamang siya nang muli na namang magpakita sa kanya ang rebeldeng nakausap niya bago siya mawalan ng malay.

"Sino ka? Nasaan ako? Bakit nandito ako? Bakit nakagapos ako sa kama? Pakawalan mo ko!" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Nandito ka sa teritoryo namin. May mga bagay kaming nais itanong sayo pero sa ngayon, kailangan mo munang magpahinga. Kinailangan ka naming igapos upang makasigurado na wala kang gagawing masama dahil hindi ka naman namin kilala." Sagot niya sakin dahilan para mapatango na lamang ako. Teritoryo nila? Isa siyang rebelde. Ibig sabihin natunton ko na ang puder ng mga rebelde?

"Rebelde ka, diba?" Lakas-loob na tanong ko sa kanya.

"Paano kung sabihin kong oo? Papatayin mo ko?"

"May kailangan rin akong sabihin sa inyo. Pakawalan mo na ako. Hindi ako masamang tao. Anong pangalan mo? Dahyun ang pangalan ko."

"Mamaya na 'yan. Magpahinga ka na muna. Isa pa, huwag mong tatangkaing tumakas --- makikita mo ang hinahanap mo. Moira. Moira ang pangalan ko." Banta niya dahilan para kabahan ako. Ayos lang ba talaga na nandito ako sa puder nila?

Napahinga na lamang ako nang malalim nang tuluyan na siyang lumabas. Nang maiwan akong mag-isa sa loob ng bahay-kubo, hindi ko napigilang mapaisip kung totoo bang may nakita akong paru-paro kanina bago ko mawalan ng malay. Ano na rin kayang kalagayan nila Kyungwan ngayon? Sana ayos lang sila.

Kinabahan tuloy ako sa lugar na 'to. Nakakatakot ba naman tumingin ang nakausap kong rebelde kanina. Parang isang maling kilos ko lang, sasaksakin na agad ako ng espada eh. Parang gusto kong saktan sa pamamagitan lang ng masamang pagtingin niya sakin.

- To Be Continued -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- To Be Continued -

A/N: Anong masasabi mo kay Moira? 😂

Follow Ai_Kiminatozaki.
Thank you so much.

Vote.Comment.Share

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon