Dahyun's Pov :
Hindi ko inaasahan na makakaramdam pa pala ako ng tunay na saya matapos ang lahat ng napagdaanan ko at ng mga mahal ko sa buhay.
Sa lahat ng pagsubok na 'yon, marami akong naranasan. Naranasan kong magmahal, magalit, malungkot, masaktan, maging makasarili at mawalan ng pag-asa. Higit sa lahat, muling pagbangon upang itama ang lahat ng nagawa kong pagkakamali mula sa nakaraan.
Nandito ang lahat sa mansion. Magkakasamang nag-aasikaso para sa parating na kasal namin ni Sana. Hindi mawala ang ngiti ko sa tuwing iniisip na mangyayari na talaga ang isa sa mga bagay na pinapangarap kong maranasan. Yun ay ang maikasal sa taong pinakamamahal ko.
"Nayeon, Balang araw ikakasal din tayo." Rinig kong sabi ni Jeongyeon kay Nayeon.
"Hindi na ako makapaghintay sa panahon na 'yon, Jeongyeon." Sagot naman ni Nayeon. Habang pinagmamasdan silang dalawa, bigla akong napaisip.
Ikinagagalak kong makitang masaya silang namumuhay nang magkasama sa pagkakataong 'to. Sobra kong isinisi sa sarili ko ang hindi nila pagkakaroon ng tiyansang mamuhay nang matagal sa nakaraang buhay nila bilang sina Kyungwan at Nabong.
Isang kagalakan na makitang hindi na sila naghihirap sa pagkakataon na 'to. At masaya din ako na sa buhay nila ngayon, sila pa rin yung matalik na kaibigang nakagisnan ko. Hindi na ako makapaghintay sa panahon na sila naman ang ikakasal.
"Baka mauna pa kami ni Tzuyu sa inyo." Bungad ni Momo kina Jeongyeon.
"Yun ay kung pakakasalan ka ni Tzuyu." Pang-aasar na sagot ni Jeongyeon.
"Ang sama ng ugali mo, Jeongyeon!" Asar na sagot ni Momo dahilan para mapailing si Tzuyu.
"Pag-uuntugin ko na kayong dalawa diyan eh. Kanina pa kayo nagtatalo kung sinong mauunang ikasal pagkatapos nila Dahyun at Sana. Malay niyo sina Chaeyoung at Mina ang mauna." Sabi ni Tzuyu sabay siko nang marahan kay Mina.
"Basta kami ni Chaeyoung, hindi nagmamadali. Kung kailan namin maramdaman na handa na kami para sa bagong kabanata ng buhay namin nang magkasama, magpapakasal na kami." Sambit ni Mina dahilan para biglang mapapalakpak si Chaeyoung.
"Yan ang Mina ko. Chill lang kami. Sigurado na kasi kami na kami talaga para sa isa't-isa kaya hindi kami magmamadali." Proud na pagkakasabi ni Chaeyoung sa kanila.
"Sinasabi mo bang atat kami?" Nakapamewang na tanong ni Momo.
"Wala akong sinasabi. Matamaan na ang matamaan." Dagdag ni Chaeyoung sabay peace sign kila Momo.
"Pag kayo na ang ikakasal, itatago ko yung wedding ring." Pabirong sabi naman ni Tzuyu. Napatawa na lang ako habang naglalakad-lakad sa tabi nila. Nakakatuwa na pagmasdan sila nang magkakasama habang walang inaalalang mabigat na problema.
Habang naglalakad-lakad ako, napatingin ako kay Sana na buhat-buhat ang anak naming dalawa kaya naman minabuti kong lapitan sila.
"Sana."
"Hmmm?"
"Ang sayang pagmasdan na yakap-yakap mo ang anak natin."
"Ang saya ding pagmasdan na katabi mo si Chaeyoung na siyang parang tunay na anak na rin natin." Sabi ni Sana dahilan para mapalingon ako sa gilid ko kung saan naroon pala si Chaeyoung.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...