42 : Torpe

494 18 15
                                    

Dahyun's Pov:

Ilang araw ko na ring hindi nakakausap o nakikita si Sana. Hindi ako nakakasigurado kung nahihiya ba siya sakin matapos ang nangyari noong huli naming pagkikita o sadyang abala lang talaga siya ngayon sa kung ano mang pinagkakaabalahan niya.

Pero isa lang ang alam ko sa ngayon, hindi ko parin alam kung paano siya muling haharapin. Gabi-gabi akong nahihirapang matulog dahil sa kakaisip kung tama bang ituloy ko ang planong pagsabi ko  sa kanya tungkol sa nararamdaman ko.

"Boss, Ano na naman bang pinoproblema mo? Kanina ka pa lakad nang lakad diyan." Sabi sakin ni Chaeyoung.

"Huwag ka ngang magulo. May iniisip ako."

"Si Sana na naman?"

"Sinabi ko bang si Sana? Isa pa, ano naman kung si Sana nga? May maisa-suggest ka bang maayos? Diba wala? Kaya shut up ka na lang diyan." Seryosong sagot ko sa kanya.

"Sabi ko naman sayo, puntahan mo na siya. Sabihin mo nang direktahan kung ano bang bumabagabag diyan sa isip mo." Dagdag pa niya sakin.

"Hindi madali 'yang sinasabi mo."

"Eh di magtiis ka na lang diyan."

"Magtiis? Para akong mababaliw."

"Gawin mo nga lang kasi kung anong sa tingin mo ay tamang gawin. Alalahanin mo kung paano mo nakuha ang matamis na oo ni Kyulkyung noon." Sandali akong natigilan sa sinabi ni Chaeyoung.

"Huwag mo ngang mamemention si Kyulkyung. Hindi sila magkatulad. Magkaiba silang dalawa." Depensa ko.

"Eh di magkaiba na kung magkaiba. Sinabi ko lang naman na gawin mo yung ginawa mo noon. Paano ba naging kayo ni Kyulkyung?"

"Binibigyan ko siya ng mga bagong pitas na bulaklak."

"Ay. Ang kuripot naman. Namimitas ka lang noon ng bulaklak para kay Kyulkyung?"

"Ano naman kung pitas lang ng bulaklak? Ang mahalaga maiparamdam ang nararamdaman." Inis na sagot ko.

"Diba initayo mo yung flower farm mo para kay Kyulkyung. Bigyan mo rin ng bulaklak si Sana ngayon."

"Chaeyoung, hindi ganoon kadali 'yon para sakin. Alam mo naman kung gaano ako nasaktan nang dahil kay Kyulkyung. Nangako ako kay Kyulkyung na balang araw magkakaroon ako ng sariling flower farm kung saan hindi ko na kailangang mamitas ng mga bulaklak mula sa mga hardin ng may harin. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Wala na siyang koneksyon sa flower farm ko. Ayoko nang maalala ang tungkol sa kanya." Paglilinaw ko dahilan para mapa-peace sign si Chaeyoung sakin.

"Sorry na, Boss. Nagsa-suggest lang naman ako eh."

"Huwag na huwag mong mababanggit kay Sana ang tungkol kay Kyulkyung. Higit sa lahat, huwag mong idadaldal sa kanya kung ano bang nangyari sa nakaraan ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo, Boss. Eto naman eh, ang oa. Ni hindi ko nga alam ang kabuuan ng kwento niyo ni Kyulkyung. Paano ko naman sasabihin kay Sana?"

"Gusto ko nang kalimutan kung ano man ang meron kami ni Kyulkyung noon."

"Pwedeng magtanong, Boss?"

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon