73 : Kinikilig

507 13 14
                                    

Tzuyu's Pov :


"Aish. Nasaan na ba siya?!" Nababadtrip kong pagkakatanong habang sinisikap na tawagan si Momo dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nagri-ring naman ngunit hindi niya sinasagot.

Madilim na. Late na si Momo. Kanina pa ako naghihintay sa labas ng bar. Giniginaw na din ako dito. Hindi ko inaakalang magsusuot ako nang ganito kasosyal na kasuotan para lamang maghintay nang matagal sa labas ng bar.

Maya-maya, may natanawan akong pamilyar. Papalapit na siya. Nakasakay sa isang bike. Kumakaway sakin. Hindi ko naiwasang pagmasdan siya. Kakaiba talaga ang pormahan nitong si Momo.

"Tzuyu! Nandito na ako." Nagmamadali niyang sigaw habang kumakaway-kaway pa dahilan para mapalingon ako sa paligid kung may nakakakita ba sa interaksyon naming dalawa ni Momo.

Para siyang magja-jogging sa suot niya. Sinasadya ba niyang pumorma nang ganyan upang bwisitin ako? Pormang-porma ako eh. Tapos ang kasama ko parang walang interes na samahan ako dito. Agad niyang ihininto ang bike niya sa parking area.

"Bakit ngayon ka lang?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Pasensya na. May inasikaso pa kasi ako." Nakangiting sagot niya. Pawisan pa siya. Siguro dahil sa kakamadali. Ibinigay pa siguro niya yung bulaklak na binili niya kanina sa bagong pinopormahan niya kaya siya na-late.

"Kanina pa kita hinihintay dito."

"Tzuyu, may ibibi ---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil sa pagkabadtrip ko.

"Pumasok na tayo sa loob." Yakag ko sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod sakin. 

Pagpasok namin, nagkakagulo na ang lahat sa kani-kanilang pinagkakaabalahan sa loob. Namiss kong tumambay sa bar. Napalingon ako kay Momo na nasa karamihan ng tao ang atensyon.

"Sumunod ka sakin." Kinalbit ko siya dahilan para mapatango siya't sumunod muli sakin. Pinili kong pumuwesto sa hindi masyadong maingay na pwesto. May mga gusto akong itanong kay Momo.

"Bakit hindi ka pa nakiki-party sa ibang tao?" Curious na tanong niya sakin.

"Gusto ko na munang maupo dito." Matipid na sagot ko.

"Huwag mo kong intindihin. Nandito ako para bantayan ka. I-enjoy mo lang ang gabing 'to." Nakangiting sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit. Basta nababadtrip ako sa kanya.

Parang ngiti ng taong papaasahin ka sa mga motibong ipinapakita niya tapos malalaman mong may iba na palang pinopormahan.

Sa tingin niya, hindi ko malalaman na pinaglalaruan niya lang ako? Duh. Sanay na sanay na ako sa ganyan. Maraming pumoporma sakin pero hindi ko sila in-entertain dahil alam kong hindi naman talaga sila sincere. Akala ko iba 'tong si Momo. Muntik na akong maniwala sa kanya.

"Tzuyu." Natauhan ako mula sa pagkakatulala ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.

"Hmmm?"

"Ayos ka lang ba? Parang napapatulala ka. Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Ayos lang ako. May iniisip lang ako."

"Ganun ba? Sabihin mo lang sakin kapag kailangan mo ng tulong ko."

"Momo, may itatanong ako sayo."

"Huh? Ano 'yun?" Curious na tanong niya. Tumingin ako sa kanya nang paseryoso upang ipahatid sa kanya na seryoso talaga ako sa mga itatanong ko.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon