84 : Paglalakbay

400 13 11
                                    

Nang imulat ni Moira ang kanyang mata, nakaramdam siya ng pananakit ng katawan. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga.

Nang makaupo sa kinahihigaan, tumambad sa kanyang harapan si Tatang Jinyoung.

"Tatang Jinyoung."

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Seryosong tanong nito sa kanya.

"A ---Ayos lang po ako."

"Marami tayong dapat pag-usapan, Moira."

"Nasaan po sila Anna?"

"Diba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan. Nasaan ang anak ko? Sumuway kayo sa bilin kong huwag na huwag gagawa ng desisyon na maaaring ikapahamak ng kahit na sino."

"Patawarin niyo po ko, Tatang Jinyoung. Aminado po akong nakagawa ako ng kasalanang hindi kapatawad-tawad."

"May mga bagay na nabanggit sakin si Sharon kagabi. Totoo ba?"

"Po?"

"Po? Alam kong alam mo sa sarili mo kung anong tinutukoy ko." Napayuko na lamang si Moira dahil kitang-kita niya sa mukha ni Tatang Jinyoung ang sobrang pagkadismaya.

"Ano po bang sinabi ni Sharon sa inyo?"

"Totoo bang sinabi mo sa Pinuno ng pamahalaan ang kinaroroonan nila Kyungwan at Nabong?"

"Tatang Jinyoung, Hayaan mo kong magpaliwa ---" Hindi na natapos ni Moira ang sasabihin nang biglang sumigaw si Tatang Jinyoung.

"Totoo ba?!"

"To ---Totoo po."

"Moira, Hindi ako makapaniwalang magagawa mong ilagay sa panganib ang buhay ng mga taong naging parte ng ipinaglalaban nating adhikain. Alam mo sa sarili mong malaki na ang naitulong nila sa samahan natin. Tinalikuran nila ang pamahalaan para satin tapos gagawin mo 'yun sa kanila!" Nagsimula nang lumigid ang luha ni Moira dahil sa alam niya sa sarili niyang totoo ang kanyang mga narinig.

"Nagawa ko lang naman po 'yun dahil wala na akong maisip na ibang paraan. Kailangan kong magdesisyon sa mga oras na 'yun. Kung hindi ko 'yun ginawa, maaaring kampo natin ang sugurin nila." Pagpapaliwanag ni Moira.

"Kung susugod sila satin, alam mong lalaban tayo. Itinuro ba dito sa samahan natin na pwede mong ilagay sa panganib ang buhay ng iba para sa sarili nating kapakanan? Moira, Lalaban tayo hanggang sa huling hininga natin. Alam mo 'yan!"

"Hindi ko po sinasadya. Naipit ako sa sitwasyon. Binalak naming iligtas ang prinsesa ng pamahalaan. Hindi ko inaasahan na balak na akong ilagay sa patibong ng prinsesa. Wala na akong ibang maisip na paraan." Naluluhang sambit ni Moira.

"Prinsesa? Alam niyo kung gaano kadelikado ang ginawa niyo. Ibubuwis niyo ang buhay ng isa't-isa para sa prinsesang anak ng walang kaawa-awang Pinuno ng pamahalaan nila? At bakit pa kailangang mailigtas ng prinsesang 'yon?"

"Sumali ako sa planong pagliligtas sa kanya sa pag-aakalang wala siyang gagawing masama. A ---Akala ko dapat siyang makalaya mula sa lugar na 'yon."

"Mas pinahahalagahan mo ang prinsesa ng pamahalaan kaysa sa matalik mong kaibigan na si Anna? Bakit hinayaan mong madamay si Anna dito?!"

"Hi ---Hindi ko po alam na nakasunod sila ni Sharon samin."

"Hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo sa oras na may mangyaring masama kay Anna!"

"Sumunod po siya kay Dahyun." Biglang sumulpot si Sharon dahilan para sandali silang matigilan.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon