Jeongyeon's Pov :
Matapos kaming ilibre ni Dahyun, ihinatid na niya kami sa apartment namin. Nang umalis na sina Dahyun at Chaeyoung, nagkatinginan kami ni Nayeon.
"Ganon pa rin siya hanggang ngayon. Inuuna pa rin niya ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya." Sambit ko kay Nayeon na agad namang napangiti sakin.
"Tama ka. Siya pa rin ang kaibigan natin noon." Agad na sagot ni Nayeon sakin.
"Akala ko makakahalata siya sa pagpapaliwanag mo kanina kung bakit madalas tayong magjogging."
"Miss ko na rin kasi siyang maka-bonding tulad noong mga panahong madalas pa tayong tumambay sa lilim na parte ng puno." Dahilan niya kaya naman napaisip rin ako. Hindi ko inaasahan na may mga ganitong pangyayari talaga sa totoong buhay. Yung tipong maaalala mo ang naging buhay mo sa nakaraan.
"Hindi ko alam kung tama bang aminin natin sa kanya na may nalalaman talaga tayo sa nakaraang buhay natin." Nasabi ko na lamang nang may halong pag-aalala.
"Hmmm. Karapat-dapat naman talaga niyang malaman pero sa tingin ko, hindi pa ito ang tamang oras. Masyado pa siyang maraming inaalala." Sambit ni Nayeon kaya naman napasang-ayon na lamang ako.
Maaaring nakagugulat ang rebelasyong ito, pero ito talaga ang katotohanan. Bago pa kami mapadpad sa mansion ni Dahyun noon, alam na namin ang tungkol sa kanya. Hindi pa namin siya kilala, paulit-ulit na kaming nananaginip ni Nayeon ng tungkol sa naging buhay namin sa nakaraan.
Hanggang sa dumating ang pagkakataon na may babaeng nagpakilala samin. Noong una, hindi namin alam kung maniniwala ba kami o hindi sa mga sinasabi niya pero halos lahat ng sabihin niya, tumutugma sa mga panaginip namin ni Nayeon.
At ang babaeng 'yon ay walang iba kundi si Jihyo. Ang babaeng nagpakilala samin bilang isang Fairy Queen. Takot na takot kami noong una dahil iyon ang unang pagkakataon na napagtanto naming nagsasabi nga talaga siya ng katotohanan.
Simula noon, ginabayan na niya kami sa pag-alala sa naging buhay namin sa nakaraan. Sa sobrang pagtataka namin kung sino ang taong palagi naming nakakasama sa panaginip namin, inamin ni Jihyo samin ang pagkatao niya. Walang iba kundi si Dahyun.
Sa proseso ng pag-alala namin sa nakaraan, naging mahirap ang lahat. Dumating sa puntong halos nararamdaman na rin talaga namin ang lungkot at pasakit na dinanas namin noon bilang sina Kyungwan at Nabong.
Hanggang sa dumating na ang panahon na naging handa na kaming harapin si Dahyun bilang sina Jeongyeon at Nayeon. Hindi niya kami namukhaan noon una kaya naman sinungit-sungitan niya kami. Expected naman na namin na magiging cold ang pakikitungo niya dahil sa dami ng napagdaanan niya.
Isa pa, bago kami tuluyang magpakilala kay Dahyun bilang mabubuting kapitbahay niya ---binilinan kami ni Jihyo na kung maaari ay umasta na lamang muna kami na wala pang nalalaman sa nakaraang buhay namin o sa kung anong koneksyon namin kay Dahyun sa nakaraan.
Bilang pagrespeto kay Fairy Queen, ginawa namin ang lahat upang hindi kami mahalata o mabisto ni Dahyun. Sa tuwing mamimiss namin siya, ginagawa na lamang naming paraan ang pagjajogging upang kahit paano ay mabisita namin siya.
Alam naming sinisisi pa rin ni Dahyun ang sarili niya sa nangyari samin ni Nayeon sa nakaraang buhay namin kahit wala naman talaga siyang kasalanan. At nararamdaman namin ngayon ang kagustuhan niyang makabawi samin. Gustuhin man naming sabihin na ayos lang talaga kami't wala siyang dapat isisi sa sarili niya, may tamang oras para sabihin sa kanya ang bagay na 'yon.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...