Mina's Pov :
Hindi ko inaasahang aabot sa ganito ang lahat. Gustuhin ko mang ipagtanggol si Chaeyoung kay Dad kanina, hindi ko nagawa dahil kilala ko si Dad. Masama siyang magalit. At lahat ng sinasabi niya, ginagawa talaga niya.
Sa loob ng kwarto ko, biglang pumasok si Tzuyu.
"Ano nang gagawin natin, Mina Unnie?" Nag-aalalang tanong niya sabay upo sa gilid ng kama ko.
"Hindi ko rin alam, Tzuyu. Gusto kong bumaba ulit kaso alam kong mas malalagot tayo kay Dad. Alam natin kung paano siya magalit."
"Paano sila Momo sa baba?"
"Hindi naman siguro sila sasaktan ni Dad. Magtiwala na lang tayo na sana umuwi na muna sila." Napatango na lamang sakin si Tzuyu.
Makalipas ang ilang oras, biglang pumasok si Dad sa kwarto ko. Napatingin siya samin ni Tzuyu.
"Ayaw ko nang makita pang nakikipag-usap kayo sa mga 'yon. Mga mukhang walang maidudulot na tama sa buhay niyo." Panimulang sermon niya samin.
"Pero mabait naman sila, Dad." Sambit ni Tzuyu.
"Mabait? Hindi ko nakikita yung kabaitan ng mga 'yon. Yung isa doon akala mo kung sino kung makaasta sakin. Walang respeto. Tigilan niyo 'yan ha. Sinasabi ko sa inyong dalawa. Magtino kayo!"
"Matino naman talaga kami, Dad. Ikaw lang 'tong nag-iisip na may ginagawa kaming kalokohan. Hindi naman ganyan si Mom samin eh." Sagot ni Tzuyu dahilan para mag-alala ako. Kinakabahan ako sa pagsagot-sagot ni Tzuyu sa kanya.
Ayaw na ayaw ni Dad nang kinokontra ang mga desisyon at sinasabi niya.
"Mina, Ito ba ang inituro mo sa kapatid mo sa mga panahong wala kami dito? Diba sinabihan na kita noon bago kami umalis. Huwag mong pabayaang mapariwara ang kapatid mong 'to." Sermon sakin ni Dad.
"So ---Sorry, Dad." Nasabi ko na lamang habang nakayuko.
"Dad, Hindi na ako bata. Hindi ko na kailangan ng gabay ni Mina Unnie." Extra na naman ni Tzuyu.
"At ikaw, Tzuyu. Diba sinabihan na kita noon. Umayos ka!" Galit na sermon ni Dad kay Tzuyu.
"Wala naman kasi akong ginagawang masama, Dad." Depense muli ni Tzuyu.
Napahinga na lamang ako nang malalim. Maya-maya, tumunog ang phone ko dahilan para mapatingin si Dad. Akma ko na sanang babasahin ang nakita kong text message ni Chaeyoung nang biglang magsalita si Dad.
"Ibigay niyo ang parehong phone niyo!"
"No way, Dad." Pagtutol ni Tzuyu.
"Dad, Pati ba naman ang phone namin?" Hindi ko na napigilang magtanong.
"Ngayon na!"
"Pero Dad ---" Hihirit pa sana si Tzuyu nang sasabihin.
"Ibibigay niyo? O mapipilitan akong dagdagan pa ang mga araw ng pananatili niyo sa loob ng bahay? Ano? Sumagot kayo!" Seryosong warning niya samin.
Nagkatinginan kami ni Tzuyu. Hanggang sa tuluyan na naming iniabot sa kanya ang parehong phone namin. Hindi pa nakuntento si Dad. Kinuha niya rin ang iba pang gadgets na pwede naming magamit tulad ng laptop.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...