Sana's Pov :
Nang imulat ko ang mata ko, mabilis akong bumangon sa kinahihigaan ko. Mabilis kong sinuri ang kapaligiran ko. Bakit sobrang tahimik? Nasaan sila Dahyun? Paano ako napunta dito sa higaan?
Ano na kayang nangyari kila Momo at Jeongyeon? Nagkaintindihan na kaya sila Dahyun at Jihyo? Hindi ko kinaya ang sobrang pag-aalala sa mga nangyari. Yun ang huling naalala ko bago ko mawalan ng malay.
Kinuha ko ang phone ko para matawagan ko si Dahyun ngunit nagulat na lamang ako nang magring ang phone niya na nakalagay pala sa gilid ng kama. Mukhang nakalimutan niyang dalhin ang phone niya.
Si Chaeyoung naman ang sunod kong tinawagan ngunit hindi ko rin siya matawagan. Nasaan na ba kasi silang lahat? Pina-prank ba nila ako? Hindi na nakakatuwa.
Sumilip ako sa bintana ng kwarto. Nagulat ako nang makitang dumidilim na. Nasaan silang lahat? Hindi na ako tumunganga pa. Agad akong lumabas upang hanapin sila sa paligid.
Naglibot-libot ako sa tabing dagat, nagbabakasali na makikita silang lahat.
"Dahyun? Dahyun, Nasaan kayo?!" Sigaw ko habang naglalakad-lakad. Lumipas pa ang ilang minuto, wala pa rin akong nakikita na kahit na sino sa kanila.
Teka. Iniwanan ba nila ako dito mag-isa? Hindi ko alam kung ano nang sitwasyon nila ngayon. Nag-aalala ako nang sobra. Napaupo na lamang ako sa buhanginan dahil sa pagkatuliro kung ano bang dapat kong gawin upang mapawi ang labis na pag-aalalang nararamdaman ko.
"Sana!" Naalerto ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Sa hindi kalayuan, naaninagan ko si Nayeon.
"Nayeon? Nayeon!" Kumaway ako sa kanya dahilan para magmadali siya sa paglapit sakin. May napansin naman akong tatlong pulis na nakasunod sa kanya. Teka. Bakit may mga pulis siyang kasama?
"Sana, Gising ka na pala. Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo sakin kapag may kailangan ka." Panimula ni Nayeon sakin.
"Teka lang. Nasaan yung iba? Nasaan si Dahyun? Ano nang balita kila Momo? Kumusta silang lahat? Bakit may kasama kang mga pulis?" Nagtatakang tanong ko kay Nayeon na agad namang napakamot-ulo.
"Ah. Mamaya ko na lang siguro ie-explain sayo, Sana. Kailangan na kasi nating umalis. Nandito sina Police Officer Robles, Dio at Santos para sunduin tayo. Hindi tayo masusundo nila Jeongyeon eh. Para na rin sa kasiguraduhan sa kaligtasan ng lahat, minabuti ng mga pulis na ihatid tayo pauwi." Paliwanag sakin ni Nayeon.
"Huh? May masama bang nangyari? Nasaan ba silang lahat? Nahuli na ba ang Dad nina Mina at Tzuyu?"
"Huwag po kayong mag-alala. Nasa maayos na kondisyon na ang mga kaibigan niyong na-kidnapped." Sambit ni Police Officer Robles.
"Ta ---Talaga? Mabuti naman kung ganon. Wala na bang ibang naiwan dito kundi tayo, Nayeon?" Nagtatakang tanong ko.
"Minabuti kong magpaiwan kanina para may kasama ka. Hindi ka pwedeng maiwan mag-isa dito. Baka kung mapaano pa kayo ng magiging anak mo. Huwag kang mag-alala, Sana. Magiging maayos rin ang lahat."
"Si Dahyun? Nasaan si Dahyun?"
"Ah. Yun ang hindi ko rin sigurado, Sana. Bigla na lang siyang nawala kanina eh. Baka naman magkasama sila ni Jihyo. Baka hindi na sila nakapagpaalam dahil sa pagmamadali."
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...