86 : Please

377 16 18
                                    

Chaeyoung's Pov :


Ikinagulat ko ang nabasa ko mula sa text message ni Mina sakin kaninang umaga paggising ko. Grounded daw sila ni Tzuyu ng isang linggo. Napaaga daw ang dating ng tatay nila galing ibang bansa.

Bigla akong nagkaroon ng ideya na magandang timing 'to para personal na magpakilala sa tatay ni Mina. Gusto ko ding mapalapit sa pamilya niya para sa oras na magsama na kami nang tuluyan, mas maging masaya ang pamumuhay namin dahil palilibutan kami ng mga taong nagmamahal samin.

Gusto ko siyang surpresahin. Gusto kong ipakita kay Mina na handa akong humarap sa tatay niya upang ipaalam ang mabuting pakay ko. Gusto ko rin sanang pakiusapan ang tatay niya na huwag nang ikulong nang isang linggo si Mina sa bahay nila dahil wala naman talaga siyang kalokohan na ginagawa.

Agad na akong nag-ayos ng sarili upang maging presentable ako sa oras na makita ako ng tatay ni Mina.

Habang abala ako sa pag-aayos ng buhok sa harapan ng salamin, nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Fairy Queen Jihyo.

"Mukhang may lakad ka, Chaeyoung."

"Pupuntahan ko si Mina sa bahay nila." Sagot ko sa kanya na agad namang lumapit sakin.

"May date kayo?"

"Grounded sila ni Tzuyu sa bahay nila. Akala ng Dad nila may ginagawa silang kalokohan dito. Napaaga kasi ang uwi ng ama nila dito sa bansa." Paliwanag ko.

"Dad?" Napalingon ako sa kanya na parang biglang may naisip na malalim.

"May problema ba, Fairy Queen? Ah. Ayos ka na ba? Hindi ka na nanghihina?" Nag-aalalang tanong ko.

"Makikipagkita ka sa Dad ni Mina?" Seryosong tanong ni Fairy Queen sakin.

"Parang ganon na nga. Susurpresahin ko si Mina sa bahay nila. Gusto kong kausapin ang Dad niya. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman gumawa ng kalokohan si Mina. Gusto ko ring personal na magpakilala sa Dad niya bilang isang tao na nagmamahal ng tunay para sa kanya." Nakangiting sagot ko.

"Ikaw lang ang magpupunta sa kanila?" Tanong ni Fairy Queen. Maya-maya, biglang pumasok si Dahyun sa loob ng kwarto ko.

"Jihyo? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ni Chaeyoung?" Gulat na tanong ni Dahyun sabay tingin samin pareho ni Fairy Queen.

"Bumibisita lang ako." Sagot ni Fairy Queen kaya naman agad na pumasok si Dahyun sa loob.

"Nagtaka ako eh. May narinig akong nag-uusap dito. Akala ko katawagan ni Chaeyoung si Mina. Yun pala nandito ka na naman, Jihyo."

"Fairy Queen Jihyo ang itawag mo sakin."

"Gusto kitang tawaging Jihyo eh. Bakit si Chaeyoung pwedeng tumawag sa pangalan mo?" Reklamo ni Dahyun kaya medyo natawa ako.

"Basta, Fairy Queen Jihyo ang itawag mo sakin."

"Ang daya talaga. Ikaw ha. Jihyo, Kakaiba 'yang ikinikilos mo kay Chaeyoung. Nakakaramdam na ako. Hmmm."

"Mabait na bata kasi 'tong si Chaeyoung." Sagot ni Jihyo sabay tapik sa ulo ko na parang isang bata.

"Hindi na ako bata, Fairy Queen."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon