Dahyun's Pov:
Naalipungatan ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Pagmulat ng mata ko, nakaramdam ako ng sakit sa ulo at matinding pagkahilo. Dapat pala umuwi na lang ako kagabi. Hindi ko na rin sana pinatulan ang hamon ng bungangerong babaeng 'yon. Napakawalang kwentang kalaban namin. Unang inom palang, halata na agad na hindi kaya. Pwe!
Dahil sa sakit ng ulo, minabuti kong ipikit na lamang ulit ang aking mata. Gusto ko pang matulog at magpahinga. Wala naman akong lakad ngayon."Hmmm." Nag-inat pa ako nang slight. Matutulog na lang ulit ako total wala naman akong ibang gagawin ngayon. Sa pagpikit ng mata ko, ilang katanungan ang pumasok sa isip ko.
Paano ako nakauwi? Paano ako nakarating sa kwarto ko? Nandito ba talaga ako sa kwarto ko? Nakasabay ko ba sila Chaeyoung sa pag-uwi kagabi? Agad na napamulat ang mata ko dahil sa pagiging weird ng mga nangyari. Agad kong inilibot ang mata ko sa paligid.
"Hala." Napatakip ako sa mata ko nang mapagtanto kong napalilibutan ng mga gumapang na halaman ang paligid ng kwarto ko. Ano ba namang pinaggagawa ko kagabi? Nagmadali akong kumilos para kontrolin ang mga halaman upang alisin ang mga halamang nagsipalibutan sa loob. Agad din namang naglaho ang mga ito't nagnumbalik sa pwesto sa labas.
"Hmmm." Nagulat ako nang biglang may gumalaw sa tabi ko.
"What the --- " Nanlaki ang mata ko nang makita si Sana. Ni hindi ko nga alam paano ko naalala ang pangalan ng bwisit na 'to. Nananaginip ba ako? Oh my goodness!
"Ano bang ingay 'yon?" Rinig kong mahinang sabi niya nang maalipungatan siya sa tabi ko. Hala. Anong gagawin ko?Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya sa tabi ko?!
"Sa---Sana."
"Anong oras na?" Nag-inat pa siya dahilan para gumalaw ang blanket na nakataklob sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong wala siyang saplot. Agad kong inicheck ang sarili ko. Gageu. Nasaan 'yung mga damit ko?!
"Oh my fvcking fairy queen!" Hindi ako makapaniwalang nangyayari 'to. Bangungot ba 'to? Gusto ko nang magising. Ayoko nang ganito. Huhuhu.
"Hmmm?" Nang imulat niya ang mata niya, nagkatinginan kaming dalawa.
"Sa---Sana." Mahinang pagkakabanggit ko sa pangalan niya. Maya-maya, bigla siyang napatingin sakin kaya naman hinila ko yung blanket na pinagsasaluhan namin para itaklob sa sarili ko.
"Ahhhhhhhh!" Sumigaw siya nang mapansing wala rin siyang suot na damit kaya pilit niyang hinila mula sakin ang blanket. Nag-agawan kaming dalawa.
Sa huli, minabuti ko nang bitawan yung blanket. Sa mabilis na sandali, iniangat ko ang kamay ko upang kontrolin ang bath robe na nakasampay sa di kalayuan sa loob ng kwarto upang mapalapit sakin. Nanlaki ang mata ni Sana sa nasaksihan niyang ginawa ko. Nang maisuot ko ang bathrobe, hinarap ko na siya.
"Anong ginagawa ko dito? Paano ko napadpad dito? A---Anong ginawa mo sakin? Paano mo nagawang paliparin yang bathrobe palapit sayo? Bakit magkasama tayo? Ba---Bakit pareho tayong walang saplot?!" Sunod-sunod na tanong niya dahilan para mapahawak ako sa ulo ko.
"Pwede ba? Huwag ka munang maingay. Inaalala ko kung paano tayo humantong sa ganito."
"Maligno ka ba?!" Muling tanong niya sakin.
"Shut up, Sana. Hindi ako maligno!"
"Eh ano ka? Demonyo? Alien?!"
"Aish. Huwag ka munang maingay. Makinig ka sakin. Hindi ko rin alam kung paano nangyaring magkasama tayo ngayon dito. Hayaan mo muna akong makapag-isip."
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...