Dahyun's Pov :
Akala ko wala na akong dapat pang i-explain eh. May mali ba akong nasabi? Dapat ba hindi ko na binanggit ang tungkol kay Jihyo?
"Nakakainis ka. Alam mo ba 'yon?" Seryosong tanong sakin ni Sana habang nakapwesto sa ibabaw ko.
"Ah. Eh. Iintindihin pa rin kita kahit na nagsusungit ka na naman." Kinakabahang sagot ko.
"Sinong mas maganda samin ni Jihyo?!" Natatakot tuloy akong sumagot kahit na siya ang isasagot ko. Nakakatakot yatang magselos ang mga buntis. Parang gusto na akong sakalin nito eh.
"I ---Ikaw."
"Seryoso?" Tanong muli niya.
"Ser ---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, hinalikan niya ako nang marahas. Sandali akong natigilan bago tumugon sa halik niya. Nagkatinginan kaming dalawa.
"Alam mo kung gaano kita kamahal, Dahyun. Natatakot akong baka mawala ka na lang bigla sakin. Alam kong hindi mo ko iiwan pero hindi ko parin mapigilang makaramdam ng takot. Alam kong nagiging mainitin na naman ang ulo ko ngayon. Sinusubukan ko namang itatak sa isip kong ako lang 'yung gusto mo. Pero hindi ko talaga makontrol ang sarili ko. Nahihirapan ako sa ganitong sitwasyon. Para akong sasabog sa galit at inis sa tuwing naiisip ko na baka may iba ka nang magustuhan." Emosyonal na pag-amin niya sakin.
"Ano ka ba naman, Sana? Diba sabi ko sayo iintindihin kita nang paulit-ulit. Alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon. Natural lang na makaramdam ka ng paiba-ibang mood dahil sa dinadala mo. Naiintindihan ko. Nakahanda akong umunawa sayo kahit na ilang beses pa. Hindi ka nagiging rude sakin. Okay? Nadadala ka lang ng mabilis na pag-iiba ng emosyon mo."
"Naiinis ako sa sarili ko dahil baka magsawa ka na sa kakaintindi sakin." Malungkot na pagkakasabi niya kaya naman minabuti kong hawakan ang magkabilang pisnge niya.
"Listen to me, Sana. Hinding-hindi ako magsasawang alagaan ka. Walang dapat ipag-alala. Buo ang loob kong gusto kong makasama ka at ang magiging anak nating dalawa. Malalagpasan din natin ang prosesong 'to. Gugugulin natin ang mga panahong ito sa paghahanda sa araw na isisilang mo na ang anak nating dalawa."
"Sa paglipas ng ilang buwan, lalaki ang tiyan ko. Sigurado kong malaki ang posibilidad na may makasalubong satin na mas sexy sakin. Baka mapangitan ka na sakin."
"Hindi mangyayari ang bagay na 'yan. Kahit na ano pang maging itsura mo sa paglipas ng ilang buwan, hindi magbabago ang pagtingin ko sayo. Ikaw pa rin ang pinakamaganda para sakin. Okay? Mahal kita, Sana. Mahal ko kayo ng magiging anak natin."
"Kinakabahan ako."
"Tungkol saan?" Curious na tanong ko sa kanya.
"Paano kung hindi ko maalagaan ng maayos ang anak natin habang nasa sinapupunan ko pa siya?"
"Sana, Hindi ka mag-isa sa pag-aalaga sa kanya kahit na hindi mo pa siya isinisilang. Nandito ako. Aalagaan kita habang inaalagaan mo siya."
"At sinong mag-aalaga sayo? Hindi naman pwedeng kami na lang nang kami ang alagaan mo."
"Kaya ko naman ang sarili ko, Sana. Hindi ako mapapatumba ng kahit na sino nang basta-basta. Nakalimutan mo na ba? May kapangyarihan akong protektahan ang sarili ko at ang mga mahal ko sa buhay. Hangga't nandito ako, sisiguraduhin kong ligtas kayo." Sagot ko kay Sana na nakatitig lang sakin habang nakapwesto parin sa ibabaw ko.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...