Jihyo's Pov :
"Nay, A ---Anong nangyayari sayo?" Gulat na tanong ni Dahyun nang unti-unti naming mapansin ang tuluyang paglaho ng katawan ko.
Ito na ba 'yun? Ito na yung parte kung saan tuluyan na akong magpapaalam sa anak ko? Kung ito na nga 'yon, pwede bang mayakap ko muna siya kahit sa huling pagkakataon?
Pero gustuhin ko mang lumapit sa kanya, hindi ko magawang ihakbang ang paa ko palapit sa kanya. Pilitin ko man, hindi ko talaga magawa. Gusto kong isigaw na gusto ko siyang yakapin ngunit hindi ko magawa.
"Mahal na mahal kita, Anak ko." Nasabi ko na lamang kasabay ng pagbagsak ng luha ko. Sa huling pagkakataon, pinagmasdan ko siya na hindi makapaniwala sa nasasaksihan niya. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
Masaya dahil sa mga oras na 'to, siya ang nakikita ng mata ko. Malungkot dahil sa ganitong sitwasyon namin huling makikita ang isa't-isa.
"Nay? Nanay!" Sa pagpikit ng mata ko't tuluyang paglaho ng katawan ko, nagawa ko pang marinig ang sigaw niya.
Matagal ko nang inaasam na marinig ang pagtawag niya sakin bilang nanay niya. Dapat masaya ako eh. Pero bakit ang sakit-sakit marinig ng sigaw niyang 'yon?
Nang muli kong imulat ang mata ko, hindi ko inaasahan na mapapadpad ako sa isang pamilyar na lugar. Tama ba ang hinala ko? Anong ginagawa ko dito sa kagubatang minsan kong ni-protektahan?
"Maligayang pagbabalik." Narinig ko ang boses ng May Likha.
"A ---Anong ginagawa ko, May Likha? Diba naglaho na ang lugar na 'to matapos kong talikuran ang responsibilidad ko dito?"
"Tama. Tinalikuran mo ang kagubatang ito. Pero tinalikuran ka ba ng lugar na 'to?"
"Anong ibig mong sabihin, May Likha? Kitang-kita ko na naglaho nang parang bula ang lugar na 'to.
"Pero hindi ibig sabihin na tinalikuran ka na ng lugar na 'to."
"Hindi ko maintindihan, May Likha." Naguguluhan ako sa sinasabi niya.
"Hindi gumaganti ang kalikasan, Jihyo. Mga tao rin mismo ang gumagawa ng ikapapahamak nila sa kalikasan na minsan nilang inabuso."
"Hindi ko pa rin maintindihan, May Likha."
"Hindi lang tao ang kailangan ng pahinga. Kailangan din ng kalikasan ng pahinga. Noong umalis ka, naglaho na rin ang lugar na 'to na tila ba ayaw nito ng bagong tagapangalaga dahil alam nito kung sino ang karapat-dapat na mangalaga sa kanya."
"Sa sobrang gulo ng isip ko, hindi ko na talaga maintindihan kung anong ibig niyong sabihin."
"Ang lugar na 'to ay hindi tuluyang naglaho. Inalagaan nito ang kanyang sarili sa paglisan ng tunay na tagapangalaga nito."
"Ibig sabihin hindi ako namatay? Nagbalik lamang ako sa lugar na 'to?"
"Ganun na nga. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na basta-basta makikita pa ng mga tao ang kinaroroonan ng lugar na 'to."
"May Likha, Sobra akong nag-aalala kay Dahyun. Iniwan ko siya nang ganoon. Paano na lamang kung anong mangyari sa kanya? Wala na ako doon para protektahan siya."
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...