KIMORA
"Wow. Ang ganda pala talaga dito"
Ilang beses ko ng nasabi yan pero hindi paren kase ako maka get over sa ganda at laki ng Zaire International Private School o ZIPS. Nakaka lula ang matatas na building na meron sila. Sabagay sa labas pa lang talagang maganda ang ZIPS. Mukhang susyal nga talaga tong bago naming school. But dont get me wrong. Hindi naman ako probinsyana para ma overwhelm sa mga building. Bata palang nakakakita na ko ng mas matataas pang building pero ang ganda kase talaga ng ZIPS.
Kanina ko pa gustong libutin ang ZIPS kaso baka maligaw ako at ma late pa sa klase ko. Talaga palang mas malaki ito sa dati naming school ni Leighton.
Nag palakad lakad lang ako at tumingin tingin sa paligid. Ang lawak talaga. Ilang dipa ang layo ng bawat facilities. May malawak silang soccer field. Meron din silang malaking gymnasium na tila ilang libo ang kasya sa loob. May isang building na puro libro lang. Grabe ganun kalaki ang library nila? Pakiramdam ko isang malaking village ang napasok ko. Meron din pala itong junior and high school buildings meron ding college buildings. No wonder bakit ang daming estudyante.
"Are you looking for something?"
Tanong ng isang babaeng may maiksing buhok. Medyo boyish syang tignan.
"Ah, hindi. Transferee kase ako. Nag lilibot lang"
Napatingin naman ako sa uniform nya at sa bandang dibdib nya kung saan nakaburda ang pangalan nya. Yes. Walang ID dito dahil nakasulat na mismo sa uniform ang pangalan ng estudyante. Zaylee..Hindi ko na natapos ang pag basa sa pangalan nya ng tumikhim sya.
"Really. I guess you havent seen one like these in your life"
Napakunot noo naman ako sa sinabi nya.
"Iniinsulto mo ba ko?"
Nakakasar ang paraan ng pananalita nya. Anong tingin nya sakin ignorante?
Hindi nya pinansin ang sinabi ko at nginisian lang ako.
"So how was our school, did we satisfy you?"
Ang angas talaga. Eh ano kung sa kanya tong school na to. Kaya pala mayabang eh.
"Ayos lang. Maganda naman."
"Really. Im sure your a transferee, so which one is better? Your old school or this school?"
Tss. Bingi. Sinabi kona ngang transferee ako. Paulit ulit lang?
"Eh ano naman sayo. Tyaka tigilan mo nga ako sa kaka ingles mo. Nasa Pilipinas ka, wala ka sa America."
Kaimbyerna tong babaeng to.
"Sorry to dissapoint you. Your in a prestigious school and everyone here is required to speak in english because not everyone can understand filipino."
Inis na tinignan ko lang sya.
"Edi mag adjust kayo. Ano, ako pa mag aadjust?"
Sino ba sya sa akala nya.
"Then why dont you just go back to your old school?"
Abat talagang iniinis ako ng babaeng to. Ang ganda ganda nga, panget naman ang ugali.
"Then why dont you just shut your mouth?"
Inis na bawi ko dito tyaka sya tinalikuran. Baka pag hindi ako nakapag pigil masapak ko na sya.
"Have a nice trip"
Pahabol pa nito pero hindi kona sya nilingon at nag patuloy na lang sa pag lalakad.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...