LEIGH
Nag bell na hudyat na simula na ang klase at kailangan ang lahat ng estudyante ay nasa loob na ng kanya kanyang classroom pero ilang minuto na ang lumilipas pero hindi parin lumalabas ang babaeng nasa loob ng dulong cubicle.
"Shit naman oh! Bakit ngayon pa!"
Rinig ko mula sa cubicle."Problema mo?"
"Ay butiking palaka! Ano ba?!"
'Tss. Kahit kailan talaga, napakasungit'
"Sabi ko anong problema mo?"
"Eh ano bang pake mo?! Sino kaba?!"
Sumandal ako sa gilid ng pinto ng cubicle nya."Kanina kapa dyan. Nag bell na."
"Eh ano bang pake mo?! Kung kailangan mo ng cubicle I assume, hindi lang ito ang cubicle dito kaya pwede ba!"
Umiling iling na lang ako at hindi na sumagot. Maya-maya...
"Shit! Yung phone ko nasa bag din!! Bakit ngayon pa kase ako dinatnan eh!! Tissue na lang kaya? Gosh, kung kailan namang wala akong dalang napkin oh!!! Wait! Eh kung lumabas kaya ako? Tama! Kukuha lang ako tapos balik agad! No! Pano kung biglang may pumasok?! Aish!!!!!"
Nangingiting napailing na lang ako. Para syang timang na nakikipagtalo sa sarili nya.
Kaya pala hindi sya makalabas. Sabagay, napansin ko din ang paghawak nya sa puson nya kanina at pag hampas nya sa likod nya nung nasa canteen kami.
Kung ganun, kailangan nya ng tulong pero hindi man lang nag panggap na mabait para matulungan sya.
'Wala na talagang pag asa ang babaeng to.'
"Shit, shit, shit!! It was so disgusting!!!"
Kung ano ano pang mga reklamo ang naririnig ko mula sa kanya sa loob ng cubicle. Lumapit naman ako sa may sanitary box at kumuha ng napkin.
Kumatok ako sa pinto ng cubicle nya.
"Y-yes?"
"Kailangan mo ba ng napkin?"
"W-what?!"
"Here. Dont worry, galing yan dito sa sanitary box."
"Oh my God! Thank you so much! You dont know how long i have been waiting for someone to come! Thank you!"
'Tss. Ilang minuto na kong nandito.'
Inabot nya ang napkin na inaabot ko sa kanya sa ilalim ng pinto ng cubicle.
Sumandal muna ako sa sink malayo sa cubicle nya. Maya maya lang din ay lumabas na sya at hindi na ko nagtaka ng magulat syang makita ako.
"W-what are you doing here?"
"Your welcome."
Bigla namang namula ang pisngi nya at mabilis na umiwas ng tingin. Lumapit sya sa sink at nag hugas ng kamay tyaka pinatuyo.
"B-bakit ba nandito ka pa?!"
'Tss. Bakit ba kailangan nyang sumigaw? Hindi naman ako bingi.'
"Wala lang."
"Hey you. Hindi puwede dito ang cutting classes. Pumasok kana kung ayaw mong isumbong kita kay Dean!"
"Sino bang may sabing nag ka cutting ako?"
"K-kung ganun, bakit ka nandito?!"
Tinignan ko lang sya ng seryoso. Hindi ko maiwasang tignan ang mga sugat sa pisngi nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/207478663-288-k232139.jpg)
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...