110

2K 79 6
                                    

ASTRID

Nakakainis talaga ang nerd na yun. Palaging ginugulo ang isip ko!

Kapag wala akong paki sa kanya bigla syang mag paparamdam, kapag hindi ko sya pinapansin, bigla akong lalapitan, kapag hindi ko kinakausap dadaldalin ako, kapag gusto ko na syang ayawan, biglang ipaparamdam saking posible nya pa rin akong magustuhan, at kapag nagagalit na ko sa kanya biglang magkakaron ng paki sakin.

'Ano ba talaga?!'

Pero kanina, sa mga sinabi nya sakin, feeling ko... feeling ko talaga may nararamdaman din sya sakin. Siguro hindi lang tulad ng nararamdaman ko sa kanya pero masaya parin ako.

Kung wala syang nararamdaman sakin, bakit hinabol nya ko kanina? Kung wala syang gusto sakin, bakit natitiis nya ang presensya ko?

'Baka nga umpisa pa lang talagang may gusto na sakin ang nerd na yun at sinadya nya lang na awayin din ako para mas mapalapit sakin.'

Nako. Sinasabi kona! Matagal ng may gusto sakin ang nerd na yun pero nahihiya lang sya!

Hindi ko tuloy maiwasang kiligin sa naisip ko.

Sabagay, sino bang hindi maiinlove sakin? Maganda ako, sexy, matangkad, talented, mayaman! Halos lahat nasakin na! Siguro nga hindi ako ganun katalino pero hindi rin naman ako bobo!

Pakiramdam ko lumulutang ako sa ulap habang nag lalakad sa mall. Matapos kase ng pag dadrama ko kay nerdy nakatanggap ako ng text mula sa manager ng isang Costumize Accessories sa mall nila Sari.

Actually yun talaga dapat ang pupuntahan ko kanina nung nag walk out ako dahil sa masasakit na sinabi ng buwisit na nerd na yun. Talagang nasaktan ako sa mga sinabi nya, noon ko nga naisip na posibleng hindi lang basta pagkagusto ang nararamdaman ko kase hindi naman ako masasaktan ng ganun kung simpleng gusto lang yun.

Nung unang natanggap ko ang text na tapos na ang pinagawa ko, tuwang tuwa ako. Naexcite pa ko kaya naman ginusto ko muna syang makita. Pero nung sinabi nya sakin ang mga nakakaasar na salitang yun? Gusto ko ng icancel ang pinagawa ko. Pero nakakainis dahil hindi na daw pwede kaya naman kahit ayaw ko ay wala akong choice kundi pumunta. Mag tataxi na lang sana ako kase nga masyado akong nalulunod sa nararamdaman ko. Naisip ko na itago na lang ang bagay na yun bilang souvenir sa kakaibang karanasan kong to pero nung hinabol nya ko, nag karon ako ng pagasa...

Pagasang baka pareho din kami ng nararamdaman.

Para akong timang na napangiti ng maalala ko ang itsura nya kanina. Galit na galit talaga sya lalo na ng umiyak ako sa harap nya. Para syang aligaga na hindi alam kung anong gagawin para mapatahimik ako.

'Yeah, i admit drama lang yun.'

Totoong nainis ako at nasaktan, totoo din na nairita ako ng bigla nya na lang akong binuhat pero nung nakita ko na puno ng halo halong emosyon sa kanya, natuwa ako. Hindi ko tuloy naiwasang mag drama sa harap nya. Umiyak ako na parang timang pero deep inside natatawa ako at kinikilig sa reaksyon nya.

Huminto ako sa pag lalakad at bumalik sa supermarket para bumili ng mga paborito nya.

Kumuha ako ng cart at nakangiting pumunta sa candy section.

Mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ang hinahanap ko.

'Gummy bears!'

Hindi ko ineexpect na ang isang nerd na akala mo alagad ni dracula na mahilig sa itim ay mahilig din pala sa gummy bears na may ibat ibang kulay.

Ilang beses ko syang nakita na kumakain nito. Kahit noon pa na hindi kami mag kasundo nakikita ko na syang ngumunguya nito. Madalas nakikita ko lang sya kapag mag isa sya at ang nakakatawa, talagang may maliit na lalagyan pa sya na nasa bag nya lang. Mas lalo ko pang na confirm na gummy bear lover sya ng makita ko ang malaking garapon sa kusina nila na puno ng gummy!

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon