066

1.7K 77 3
                                    

ASTRID

Matapos ang magulong usapan ay pumasok na rin kami sa kanya kanya naming rooms at dahil nga natagalan kami sa office ni dad ay last subject na lang ang naabutan namin.

Habang nag lalakad sa hallway ay sinalubong kami ni Ryker kaya kahit papano ay nawala ang mga shocking moments na nasa isip ko parin.

"Ryk!"

"Are you okay? Nabalitaan ko ang nangyare."

"Hmm. Okay lang naman."

"Hindi ko kayo agad napuntahan kase hindi na ako pinayagang palabasin ng instructor eh."

"Ganun ba? Okay lang. Wala namang nangyare samin. Lagdating namin dun tapos na."

"Bakit ba kase nandon kayo?"

'Bakit nga ba?'

"A-ah. Hehehe. Aawat sana —"

Napahinto ako sa pag sasalita ng mag ring ang phone nya pero tinignan nya lang ito.

"Sorry Ash. Importante lang. Nga pala, sunduin na lang kita mamaya. Ako mag hahatid sayo okay? Sige. Bye. Sar, Zay. Una na ko."

"Sige. Bye Ryker."
Si Sari.

Patakbo syang nag lakad sa kabilang hallway papunta sa building niya. Nakita ko pang sinagot nya ang phone nya at hindi ko maiwasang mainis sa inaasta.

"Sino bang kausap nya at parang napakaimportante naman?!"
Inis na sabi ko.

"Uy, selos agad."
Si Sari.

"Para kaseng lagi na lang syang ganyan."

"Ikaw naman. Lagi naman kayong mag kausap diba?"
Si Zay. Nag lalakad na kami paakyat ng building.

"Ha?"

"Anong ha eh kapag pumupunta ako sa kanila o kaya sa kanila ako nag stay, lagi ko syang may katawagan sa phone nya at mukhang kinikilig pa. Parang ngayon lang naman kayo hindi nag kausap."

"L-lagi? K-kinikilig?"

"Hmm. Ikaw lang naman ang kinakausap nun."

Kelan ba nung hulin naming usap? Parang kapag nag uusap naman kami ni hindi ko naisip na kinikilig sya habang nag uusap kami.

Hanggang sa makarating kami ng room ay hindi na ako umiimik. Pati sa lecture ng instructor namin hindi na ko makapag focus.

Matapos ang klase dumeretso na kami sa gym. Naka upo lang ako sa bleacher dahil hindi daw muna ako mag papractice, sabi ni coach at dahil maaga pa iilan pa lang kami dito at may mga sarili naman silang mundo.

"Si Zay?"
Tanong ni Sari ng makaupo sya sa katabi kong bleacher.

Tinignan ko lang sya tyaka inirapan.

"Problema mo? Dont tell me affected ka parin sa nangyare sa office ni Dad."

'Isa din yung dahilan.'

"Malamang!"

"Wag ka ng mag alala kay Leigh. Hindi naman sya nasaktan eh."
Nanlaki ang matang tinignan ko sya.

"What the hell are you talking about?! Bakit naman ako mag aalala sa babaeng yun?!"

"Ewan ko sayo! Hahahhaa! Bakit nga ba nag aalala ka sa kanya?"
Pang aasar nya sakin.

"At sinong STUPID naman ang nag sabi sayong nag aalala ako sa kanya?!"

"You."
Nakangisi nyang sabi at nakaturo pa sakin.

"What?! Gusto mo ba talagang masaktan?!"

"Wait! Teka! Ikaw naman, bakit ba galit na galit ka? Hahahha!"

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon