156
**********
CADENCE
"A-alam ba lahat to ni Liv?"
Mahinang tanong ko na pilit na kinakalma ang sarili ko.
"A-alam nya ba lahat to?"Kahit hirap dahil sa sakit ng katawan ay pinilit kong tumayo. Naramdaman ko ang pag alalay sakin ni Ash pero nanatili ang tingin ko kay mom.
Hindi ko matanggap ang lahat ng sinabi nya. Kilala ko si pappy at hindi sya masamang tao! Alam kong hindi nya kayang gumawa ng ganung kahayupan!
Mabait si pappy, sweet, caring, thougtful, generous and jolly. Ganun ko sya nakilala. Ganun ko sya minahal. Mas kilala ko pa sya ng higit sa mga magulang ko kaya hindi ko matatanggap ang sinabi ni mom pero...
Pero walang sapat na rason si mom para gumawa ng kuwento! Para siraan sakin si pappy!
"Alam nya ba to?! Mom?!"
"Hindi. Wala syang alam."
Sagot ni Tita Celeste.Seryoso syang nakapamewang habang nasa iba ang tingin.
Wala sa sariling napatango tango ako habang may luhang umaagos sa mata ko.
"Kaya ba lahat ginawa nyo para pag hiwalayin kami? Kaya ba pati pananakot ginawa nyo na para lang magawa ang gusto nyo... ang mag hiwalay kami?"
"I dont have any other choice."
Seryosong sabi nya na sinalubong na ang mga mata ko.
"Umpisa pa lang naman mali na ang relasyon nyo at mas lalo yung naging mali dahil mag kadugo kayo! Sapat na ang isang kaimoralan at hindi ako papayag na dagdagan nyo pang pareho ang kasalanan nyo!""And you think you have the rights to judge us?"
"Cadence."
Saway sakin ni mom pero lumuluhang tumingin lang ako sa kanya."Maraming pag kakataong puwede nyong aminin ang lahat... na sabihin sakin ang totoo... pero wala kayong sinabi, wala kayong ginawa. Ito ba talaga ang gusto nyo?"
Pareho ko silang tinignan pero pareho lang silang umiwas ng tingin sakin.
"Ang saktan kami ni Liv? May kasalanan ba kami sa inyo? Nasakatan ba namin kayo? Naagrabyado?""Cadence.."
"No mom! Hindi namin ginawa yun sa inyo! Pero bakit kailangan nyong gawin samin to?! Sa tingin nyo kahit alam ko ang totoong rason kung bakit ayaw nyo saming dalawa, matutuwa ako?! Maiintindihan ko?!"
"But you dont have any other choice."
Seryosong sabat ni Tita Celeste.
"Whether you like it or not, hindi kayo puwede. Masyado pa kayong mga bata para maintindihan ang lahat ng to kaya wala akong ibang pag pipilian kundi ang gawin ang ginawa ko.""Anak... tinago namin ang totoo kase ayaw naming masaktan ka... masaktan kayo. Masyado pa kayong bata at alam naming mahihirapan kayong maintindihan ang lahat kung sinabi namin noon."
"Pero mom... sana sinubukan nyo! Buong buhay ko kase akala ko hindi nyo lang matanggap na babae ang minahal ko! Alam nyo kung gano namin kamahal ni Liv ang isat isa! Alam nyo na masasaktan kami ng sobra! Alam nyo na nakadepende na kami sa isat isa!—"
"And thats the real reason!"
Si Tita.
"Masyado nyo ng sineryoso ang relasyon nyo! Mga bata pa kayo pero halos idepende nyo na ang buhay nyo sa isat isa and you think thats acceptable?! Sa tingin nyo pano nyo maiintindihan ang ganung kaselang bagay?! Ginawa ko lang yun para pigilan ang maling nararamdaman nyo!""Without thinking kung anong puwede naming maramdaman? Tita nasaktan mo kami! If you are really thinking about us sana hindi nyo kami sinaktan ng ganun!"
"You think i cared to what you felt?"
Natameme ako sa deretsong sagot ni Tita Celeste.
"I dont care if youre hurt or not. Kung madali mong natanggap ang sitwasyon o hindi dahil ang importante sakin ay si Leighton! Kung anong mararamdaman nya, kung anong iisipin nya! Sa tingin mo madali nyang matatanggap na yung taong naging malapit sa kanya ay yung taong sumira sa buhay ng nanay nya?! Ginawa nyang bastarda ang ina nya at sa tingin mo matatanggap nya ang kahayupang yun?!"
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...