106

1.7K 79 7
                                    


KIMORA

Anong oras na hindi pa rin ata bumabangon ang isang yun.

Kahapon sobra sobrang pag aalala ko sa babaeng to. Nataranta talaga ko ng sobra ng matanggap ang tawag mula kay Cadence.

Mabuti na lang at naisugod agad sya sa ospital kung hindi... nako! Baka mag wala ang mga Gunner!

Nakatikim tuloy sya ng sermon sa kapatid nyang pogi. Nakakatakot talaga silang magalit. Hindi sila totoong mag kapatid pero parehong pareho sila ng personality.

'Mas nakakatakot nga lang tong babaeng to.'

Maingat na lumapit ako sa kanya.

Nakatalikod sya sa puwesto ko. Hinigpitan ko pa ang kapit sa takip ng kaldero at huminga ng malalim tyaka mabilis na pinatihaya sya.

"Putek!"
Mura ko na napaupo pa sa sahig sa sobrang gulat.
"Tangna mo naman Leigh! Anong trip yan?!"
Mura ko ulit na napakapit pa sa dibdib.

Pag tihaya ko kase sa kanya dilat na dilat ang mga mata nya at sobrang sama ng tingin nya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?"
Seryosong tanong nya. Tumayo naman na ko at pinag pagan ang pants na soot ko.

"Gising kana pala! Bumangon kana! Malelate tayo!"

"Eleven pa ang laban. Excited ka na namang matalo."

Agad na napasimangot ako sa sinabi nya.

'Ang gagang to! Pinaalala pa!'

Tanggap ko namang natalo ko ni Olivia pero hindi ko lang matanggap ang mga sinabi nya.

"Nice game, Kimora. Sabi ko na hanggang sa una ka lang eh. Nakakatawa kung pano ka tumira. Halatang kabado!"
Mayabang na sabi nya.

"Natatae kase ako kaya pinag papawisan ako."
Biro ko na may halong pagiging sarkastiko.

"Hahahha! Hindi ka parin nag babago, patawa ka parin."

"Ikaw din, hindi ka parin nag babago. Masyado paring mataas ang tingin mo sa sarili mo."
Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Dahil magaling ako. Ang isang magaling na tulad ko ang nag papakita ng pagiging mataas ko sa inyo. Mabuti pa mag quit ka na lang. Hindi naman bagay sayo ang billiard. Tanga lang ang titira ng ganun."

Nakakainis talaga ang babaeng yun! Siya ang tinuring kong idolo pag dating sa billiard dahil kahit si Leigh na hinangaan ko natututo lang mula sa kanya pero hindi ko inaasahang sa kanya ko pa maririnig yun. Sanay na ko sa kayabangan nya pero ang pang iinsulto nya ng iba, hindi ko na gusto.

"Tumayo kana! Magaling kana diba?!"

"Inaantok ako. Lumabas kana."
Sabi nya tyaka tumagilid patalikod ulit sakin.

"Inaantok?! Eh mulat na mulat nga yang mata mo! Ano bang nangyare sayo?!"

"Allergy nga diba?"

"Gaga! Alam ko no! Ang ibig kong sabihin—"
Nahinto ako ng bigla syang umupo sa kama at tinignan ako ng masama.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon