116

1.9K 75 1
                                    

ASTRID

*KRINGGG KRINGGG KRINGGG!*

Pikit ang matang kinapa ko ang phone ko na nasa ibabaw ng bedside table at tyaka ito sinagot.

"Hello?"

"Good morning baby! Sorry kung nagising kita! Hihihi! How are you honey?"

"Mom im good. Namasyal kami kahapon at nag swimming."
Inantok paring sagot ko.

"Really?! Wow! Thats good! Mabuti naman at may mga friends kana dyan!"

"Hmm."
Sagot ko na lang.

"By the way your going home na tomorrow and im excited! Im happy na mukhang nag eenjoy ka dyan!"

"Hmm. Mom, can we talk later? Im very sleepy pa talaga."
Halos pabulong na sabi ko.

"Oh sure! Hihihi. Sorry honey. Sige. Sleepwell. I love you!"

"Love you too mom."
Sabi ko na hindi man lang nag abalang alisin ang phone sa tenga ko. Hindi man lang ako dumilat o tumihaya ng higa dahil antok na antok pa talaga ko.

Unti unti na sana ulit akong nalulunod sa pag tulog ko ng bigla na namang mag ring ang phone ko na nasa mismong tenga ko pa.

"Shit!!!"
Inis na mura ko.
"What?!"

"Hoy! Aba prinsesa! Anong oras na?! Tapos na kaming kumain lahat lahat wala kapa?!"

'Kahit kailan talaga ang kimorang to!!!'

"Ano namang kinalaman ko?! Ako ba mag liligpit nyang mga pinagkainan nyo?!"
Inis na sabi ko.

"Aba aba! Hoy! Kung gusto mong maiwan bahala ka! Aba! Mabuti pa ngang umalis na kami ng wala ka! Mag solo ka dyan sa hotel!"

"As if you can! For sure nandito pa din si Nerdy—"

"Yung nerdy mo heto at hindi na maipinta ang mukha kaya bumaba ka na dyan!"

Mabilis na napaupo ako sa kama.

"Nandyan na sya?!"

'Akala ko ba late yung nagigising?! Eh seven palang!'

"Kakasabi lang diba?! Paulit ulit!"

"Dont fool me! Alam kong—"

"Ill give you 1 minute."
Nanlaki ang mata ko sa narinig.

'Si Nerdy nga!'

"A-anong 1 minute?!"

"1 minute daw o iiwan ka namin!"
Si Kim na ang sumagot.

"What?! 1 minute?!"
Gulat na tanong ko.

'Ano yun walang ligo ligo?! No way!'

"Oh! Nag rereklamo!"
Rinig kong sabi ni Kim na mukhang kausap si Nerdy.

"2 minutes and thats final."

"W-wait!"

*TOOOT TOOOT*

"Fuck!"

Mabilis na tumayo ako at tumakbo papasok ng CR.

Hindi ko nga alam kung matatawag bang ligo ang ginawa ko dahil sa sobrang bilis eh.

'The fuck?! 2 minutes?! Ano pang magagawa ko nun?!'

Matapos ng mabilisang pag sasabon at pag babanlaw ay aligagang tumakbo na ko palabas ng banyo pero malas!

"Shit! Shit! Shit!"

Mura ko at iika ikang lumabas ng banyo. Kahit masakit ang paa ay ininda ko ito at mabilis na nag bihis. Iika ika man ay tumakbo parin ako palabas ng kuwarto at agad sumakay ng elevator.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon