LEIGH
5 palang gising na ko at hindi ko na magawang makatulog. Tingin ko nga ay idlip lang ang nagawa ko dahil sa sobrang pag iisip.
Pakiramdam ko napakaraming nangyare. Sabagay marami naman talaga.
Nabawasan lang ako ng problema ng umalis na ang parents ni Kim pabalik ng Surigao at syempre hindi nawala ang mga pangaral nilang nkakasawa ding pakinggan. Sakin nila hinabilin ang kalagayan ni Kim dahil hindi nila magawang mapilit na umuwi yung isa. Kung ano ano pang sinabi nila lalo na nung makita nila kung saan kami nakatira.
'Mga OA talaga.'
Biruin nyong bibilhan na lang daw kami ng magandang bahay sa isang subdivision? Nung hindi nila ko mapilit na lumipat ay wala na rin silang nagawa kundi pumayag na mag stay kami dito sa bahay. Wala na rin naman akong nagawa ng pilitin nilang sagutin ang mga gastusin namin dito sa bahay. Ayoko ng makipagtalo pa sa kanila kaya maging ang pag papabantay samin hindi ko na tinutulan pa.
'Wala rin naman akong choice dahil malamang magagalit sila at lalo lang tatagal ang usapan.'
Kung ano ano pang binilin nila at dahil nga kakarecover palang ni Kim, kinausap nila si dean na sumabay na lang sakin sa pagbalik sa school para makapag pahinga. Pati pag pasok ni kim sa ShareHauz pinag talunan pa naming dalawa at dahil takot syang mapalayas wala na syang nagawa ng ipilit kong wag muna syang pumasok. Naintindihan naman yun ni Ced kaya hindi na rin kami nag kaproblema.
Akala ko babalik na ang lahat sa dati pero hindi pa pala. Isang masamang balita ang bumulaga saming lahat.
*FLASHBACK*
Pagbaba ko ng hagdan ay patapos na ring mag luto si Kim. Since wala akong pasok ay kinausap ko si Ced na dalawang linggo akong papasok simula 4:00 pm hanggang 1:00 am since may naka duty na ng umaga.
"Uy, galing mo talagang tyumempo!"
Sabi nya ng makalapit na ko sa kanya. Nilalagay nya sa mangkok yung ulam na niluto nya ng may kumatok. Sabay kaming napalingon sa pinto at dahil may ginagawa sya ay ako na lang ang lumapit at nag bukas ng pinto."Anong ginagawa mo dito?"
Takang tanong ko ng makita si Nixon.Parang malungkot ang ekspresyon nya. Hindi naman nya natuloy na makapagsalita ng biglang sumingit si Kim.
"Uy! Pogi! Sakto dating mo! Tara kain!"
"M-mag lalalunch pa lang kayo?"
"Hmm. Ikaw? Kumain kana?"
Tanong ko."H-hindi pa. Pero.."
"Tara kain!"
Si Kim.Tinignan pa muna nya ko ng malungkot tyaka pumasok. Pagkasara ng pinto ay sumunod na ko sa kusina.
"Wow. Adobo! Astig ka talaga Kim! Pwede ka ng mag asawa."
Si Nixon na parang pinipilit na pasayahin ang tono nya.'Matagal na kitang kilala kaya alam kong may problema.'
Mukhang napansin nya ang pag titig ko sa kanya kaya balisang tumingin sya sakin at mukhang nag iiwas na mag tanong. Alam ko namang mag sasalita din sya pag kaya na nya kaya hinayaan ko na lang muna sya.
"Upo na."
Sabi ko at tinalikuran sya para kumuha ng mga gagamitin nya sa pag kain.Kumain kami ng tahimik at walang nag sasalita. Medyo bago to sakin dahil kadalasan ay nag kukuwentuhan sila ni kim o kaya nag tatanungan.
"I-ill help you.."
Si Nixon na ang tinutukoy ay ang pag liligpit ng mga pinag kainan namin. Hindi na ko nakisali sa kanila at lumabas na lang muna ako para mag yosi.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...