155
**********
ASTRID
"Shhh... ayos na ang lahat."
Pag aalo sakin ni kuya kaya naman umiiyak na tumango ako sa kanya.Akala ko ayos na talaga ang lahat lalo na ng isa isa ng dinadampot ng mga pulis ang mga nag kalat na kalalakihan.
Masyadong nakakagulat ang lahat ng nangyare at masyadong naging mabilis ang lahat.
Bigla na lang sinugod ng ginang si Drummer at kahit pinipigilan na sya ng mga pulis ay panay ang suntok nya dito.
Napatitig ako sa kutsilyong tumilapon sa sahig, isang kutsilyong punong puno ng dugo.
Kinakabahang tumingin ako kay Nerdy at Nakita ko na lang ang unti unting pag luhod niya sa sahig.
"L-leigh..."
Mahinang tawag ko habang mabilis na tumatayo.
"L-leigh!"Mabilis na tumakbo ako sa kanya at tuluyan na nga syang bumagsak sa braso ni Kuya.
"N-no... no please..."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko at halos wala na kong makita dahil sa mga luhang nasa mata ko."Medics!!"
Malakas na sigaw ni kuya.
"Leighton, hang on!"
Sabi pa nito tyaka hinubad ang coat nya at iyon ang ginamit ko para mapigilan ang paglabas ng mga dugo nya."No... leigh... leigh... nandito ako..."
Umiiyak na sabi ko."Agh!"
Daing nya ng bigyan ko ng pressure ang sugat nya.Halos maligo na sya sa sarili nyang dugo at panay na rin ang suka nya ng dugo kaya lalo akong napaiyak sa takot.
"Baby... baby im here... nandito lang ako..."
"L-liv!"
Nang hihinang lumapit samin si Nixon.
"Liv... Liv wag kang matutulog please."Kinuha nya si Leigh mula kay Kuya. Sinubukan nya itong buhatin pero napasigaw lang sya sa inis ng hindi nya nagawang buhatin si Leigh.
"S-stay here."
Baling sakin ni Nixon tyaka hirap na tumayo ito.Gusto kong haplusin ang mukha nya... gusto ko syang yakapin... gusto kong hawakan ang kamay nya pero hindi ko magawa dahil sa takot na baka maubos ang dugo nya kapag binitawan ko ang sugat nya.
"S-sabi ko w-wag kang i-iyak diba?"
Napapikit ako at mas lumakas ang iyak ko ng maramdaman ang duguan nyang kamay sa pisngi ko."Leigh.."
"S-shhh... l-lalo kang p-pumapanget tuwing u-umiiyak ka."
Kahit anong pilit kong pigilan ang mga luha ko ay hindi ko magawa.
Gusto kong punasan ang mga luha sa mata nya pero wala akong ibang magawa kundi umiyak na lang ng umiyak.
"S-sorry kung nasaktan ka dahil sakin."
Sabi nya na hinaplos ang pisngi ko kung saan hiniwa ni Clank. Sunod sunod na umiling naman ako sa kanya.
"S-sorry dahil natakot ka dahil sakin.."Mas lalo akong napaiyak habang umiiling.
Nasasaktan ako dahil palagi na lang syang ganito! Palagi na lang kapakanan ko ang iniisip nya!
"Tabi! Tumabi kayo!!!"
Nabuhayan ako ng loob ng may lumapit samin. May dala silang stretcher at first aid kit.
"No!!!"
Gulat kaming napatingin kay Nixon na hirap na hirap ng mag lakad.
"Kami ang mag dadala sa kanya sa ospital!"Sumenyas sya kay Krimo at tumango naman ito sa kanya. Kahit hirap ay binuhat nya si Leigh. Nag tataka man sa inasta ni Nixon ay sumunod lang din agad ako kay Krimo.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...