006

2.9K 99 3
                                    

ZAYLEE

Kabababa ko lang ng kotse at biglang napalingon naman ng isang motor ang humarurot. Hindi naman ako ganun ka interesado kaya naman hindi kona lang ito pinansin at nag lakad na papasok.

Hindi na mawawala ang mga babaeng kinikilig na bumabati sakin at binabati ko naman sila pabalik. Dagdag pogi points din yun. Aware na ang lahat kung ano ako at hindi ko yun kinakahiya. Marami din akong naging basher pero mas marami parin ang kinikilig pag nakikita ako.

Nag patuloy lang ako sa pag lalakad at sa wakas nakita ko na rin sila Ash.

"Ooppss. Here she comes again"

Yun agad ang narinig ko kay Sari ng makalapit ako sa kanila. Nilingon ko naman ang tinitignan nila at tama nga ako ng hinala. Yung magandang nerd na pinatid ni Ash, ano nga ulit tawag nya dyan.

Tinignan ko si Ash at talagang halos mapunit na ang mukha nya sa inis.

"Sige. Lumapit ka lang. Humanda ka talaga sakin."

Narinig ko pang bulong ni Ash. Nakatayo lang sya at hinihintay na lumapit si Nerdy.

Tinignan ko lang sya habang nag lalakad. Bahagya syang nakayuko at mukhang deadma sa paligid. Parang may soup pa ulit ang dala nito at isang mineral water. Napatingin ako kay Ash nang maglakad ito pasalubong kay Nerdy. Nakita ko ang pag galaw ng paa ni Ash na tila papatiring muli si Nerdy pero ganun na lang ang pagkagulat ko ng si Ash ang makita kong natumba sa  sahig.

"Oh my god!"

Gulat na sabi ni Sari at Mabilis kaming lumapit kay Ash para alalayan syang tumayo.

"Are you okay, Ash?"

Nag aalalang tanong ko sa kanya pero inis na binawi nya lang ang kamay nya at umayos ng tayo.

"Bakit mo ko pinatid?!"

Kung kanina ay yung mga nasa kabilang table lang ang nanood samin, ngayon halos maagaw na namin ang atensyon nang lahat nang sumigaw si Ash na mababakasan ng galit.

Hindi sya sinagot ni nerdy at tangka na sanang aalis nang madiing hinawakan sya sa braso ni Ash. Kita ko ang pag baon ng mahahaba nyang kuko sa braso ni nerdy pero tinignan nya lang iyon na parang walang nararamdaman.

"Im talking to you. Bakit mo ko pinatid?!"

Talagang galit na si Ash. Sabagay, sino bang hindi eh napahiya sya.

"Tss. Hindi ko kasalanang hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo"

Ginaya nya ang sinabi ni Ash sa kanya nung first day pero yung version nya, yung walang kabuhay buhay at parang wala lang.

"What the! Talagang inuubos mo ang pasenya ko. Hindi mo siguro alam kung sino ako, kayang kaya kitang tanggalin dito. Oh kahit saang school. Kayang kaya kong ipa ban ka sa lahat ng school!"

Mas humihigpit pa ang kapit ni Ash sa braso ni Nerdy.

"Ash, thats enough"

Pero hindi ako pinansin ni Ash at nakipagtitigan parin kay Nerdy.

"Bakit mo ginawa yun?!"

Nanggigigil na tanong ni Ash dito.

"Eh bakit hindi, ikaw nga nagawa mo ng dalawang beses bakit hindi ko pwedeng gawin?"

Aish. Pwede bang wag na lang syang sumagot kase lalo lang nyang iniinis si Ash.

"Niloloko mo ba ko?!"

Gigil na lumapit si Ash sa kanya at nakipag sukatan ng tingin.

"Mukha ba kong nakikipag biruan?"

Tila naiinis na ring tugon ni nerdy.

"Bitawan moko. Baka gusto mong tuluyan ko ng baliin yang buto mo?"

Poker face na sabi nya.

"Abat. Eh kung ikaw ang balian ko? Akala mo ata talaga natatakot ako sayo no?!"

"Ash, thats enough."

Muling awat ko pero para silang mga naka lock sa mata ng isat isa at patuloy parin sa pag patayan sa pagtitig.

Humakbang din palapit sa kanya si nerdy. At halos maduling na sila sa pagtitig sa isat isa sa sobrang lapit nila.

"Kung gusto mo ng gulo, bakit hindi mo sabihin. Ano ka elementary namamatid? Isa pa wag kang mainis kung anong ginawa ko sayo, dahil patas lang tayo. May utang ka pa nga eh."

Mas lalong nagalit si Ash sa sinabi ni Nerdy.

"And who the hell do you think you are to threaten  me?!"

"At sino ka rin para katakutan ko?"

Kalmado paring sabi ni nerdy.

"Ha! Do you not even know me"

"And you didn't know me either."

"Ha! Sino ka ba para kilalanin ko. Your just a nobody."

"So you are and im not interested. Bitaw."

Nakipagtitigan pa si Ash dito bago nya pabalyang binitawan si nerdy. Kita ko pa ang namumulang bakas ng mga kuko ni Ash.

"Did you see that? Iniinis talaga ko ng babaeng yun."

Napailing na lang ako.

"Ash, calm down."

Sabi ni Sari at sinenyasan ang mga estudyante na umalis.

"I cant forgive her. Never!"

Padabog na umupo sya at sumunod na lang kami.

"Ikaw naman kase girl. Bakit nilapitan mopa. Papansin ka din eh"

Halos mamatay naman si Sari sa mga titig ni Ash at nag peace sign lang sya dito.

"Dapat kase hindi mo na sinimulan"

Sabi ko habang binubuksan ang nakabalot na sandwich.

"Kung hindi nya ko ininis edi sana hindi ako nag kakaganito!"

"Ikaw kaya nag simula. Siguro nadala lang yung tao"

Tinitigan naman nya ko na parang isang malaking mali ang sinabi ko.

"Seriously, Zay. Kakampihan mo talaga sya sa harap ko?"

Sarcastic na sabi nya at inirapan ako.

"Wala pang isang linggo pero mukhang nag papainit kana, Astrid."

Napatingin naman kami sa babaeng nasa gilid namin.

"Hi, Caroline."

Bati sa kanya ni Sari. Nginitian lang sya nito at muling tumingin kay Ash.

"Ano bang pakialam mo?"

Iritableng sabi ni Ash at hindi man lang nililingon si Caroline.

"Nandito lang ako para ipaalala sayo ang ilang bagay bagay, baka kase nakakalimutan nyo na eh."

Tumingin pa sya samin isa isa.

"Grade 10 na kayo at hindi na kayo mga bata para makipag laro. For sure aware naman kayo sa rules and policy ng school natin, especially you, Astrid. Hindi porket apo ka ng mayari ng school at dean natin ang daddy mo ay makakaligtas kana sa mga ginagawa mo. Pare pareho lang tayong estudyante dito. At lahat tayo, pantay pantay."

Tinignan naman sya ng masama ni Ash.

"Whatever Caroline."

Mataray na inirapan lang sya ni Ash.

"Sana ay hindi na to maulit, Astrid. As a Student Council president, hindi kona palalagpasin pa pag naulit pa to."

Hindi na sya pinansin ni Ash at tinanguan ko na lang sya.

"Bye, Caroline."

Masayang paalam ni Sari at kumaway pa.

Napailing na lang ako sa dalawang kasama ko. Yung isa parang isip batang abnormal. Tapos itong isa, isip batang kala mo pinag lihi sa sama ng loob.

Hay.

Pakiramdam ko mababaliw ako sa dalawang to.

❤️JeyEmMen❤️

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon