056

1.9K 66 3
                                    

KIMORA

"Asan na ba si bakla? Jumebs ba?"
Si Aj.

Ilang minuto na rin kase kami dito sa canteen pero wala pa si Leigh.

"Hindi. Sabi nya may babalikan lang daw sya."
Nag aalalang sabi ko habang nakatingin sa mga taong pumapasok sa entrance.

"Baka nadaganan na ng binalikan. Hahahahha!"
Si Jay.

"Baka papunta na rin yun."
Si Amya.

"Eh pano kung may humarang na dun? Nako, sikat pa naman sya lalo na ngayon!"
Si Jay.

"Hoy, bakla ka. Wag mo ngang tinatakot si Kim."
Si Amya.

"Puntahan ko na kaya?"

Hindi naman ako nag aalala dati kapag nawawala sya kase alam ko namang kaya nya ang sarili nya pero ngayon kase, madalas parang lagi na lang nyang nilalalagay ang sarili nya sa panganib.

Tumayo na ko kasunod si Amya para sana hanapin si Leigh ng mag kaingay na naman ang mga hinayupak.

"Waahhh! Ang gwapo nya!"

"Ang hot ni Nixon!!!!"

"Waaahh!! Nixon! Andito ako!!!!"

"May asawa naba talaga sya??!!"

"Nixon, hiwalayan mona si nerd!!! Ako na lang!!!!"

"Mas bagay tayo!!!"

"Hindi, kami!!!"

"Gaga! Wag kang assumera!!"

"Hey."
Si Nixon na winawagayway pa ang kamay sa harap ko. Kaya lagi syang pinag kakaguluhan eh, ang gwapo nya kase talaga at mas lalo syang gumuwapo ngayon sa formal suit nya.
"Hey, you okay?"

"H-ha? Ah oo. Pupuntahan ko lang sana si Leigh, wala pa kase sya."

"Bakit nasan ba sya?"

"Sabi nya may babalikan lang daw sya eh kanina pa yun eh. Baka kung napano na kaya pupuntahan kona sana. Mamaya na —"

"Eh ayan na pala ang misteryosang si MRS. GUNNER eh. Yiiieehh"
Si Aj.

Papasok na sa entrance si Leigh at nakakapag taka ang mga ngiti sa mukha nya.

"San kaba galing at ang tagal mo?"
Inis na tanong ko ng makalapit sya samin.

"Wala. Sinubukan ko lang hanapin yung lobo sa mga tupa."
Nakangiting sabi nya.

"Wow. Nagiging makata ang dating patay na bata. Hahaha"
Si Jay.

Tinignan ko lang syang mabuti pero pakiramdam ko may hindi na naman sya sinasabi sakin.

'Mamaya ka lang talaga.'

"Hey, Helwatie. Okay ka lang?"
Si Nixon na halatang nag alala din.

"Yeah, Rahatie."
Napairap na lang ako sa narinig.

"Wala ka atang topak ngayon? Hahaha"

"Sulitin mona dahil nakahuli ako ng ahas. Mamaya wala na to."

'Ahas?! May ahas ba dito sa school?!'

"Ahas?! May ahas ba dito sa school?!"
Tinignan ko ng masama si Jay. Baklang to, ginaya pa ko, word by word pero nginisian lang sya ni Leigh tyaka muling bumaling kay Nixon.

"Libre mo ba? Mga patay gutom tong kasama ko. Lalo na to."
Turo sakin ni Leigh na hindi parin maalis alis ang ngiti sa mukha.

'Ayos ka ding mag iba ng usapan ah. Kokotongan talaga kita mamaya.'

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon