LEIGHHindi ko maiwasang mangiti dahil sa mga inaasta nya. Tulad ngayon, halos takbuhin na nya palabas ang clinic.
"Okay ka lang? May problema ba sa ulo mo?"
Agaw pansin sakin ng nurse kaya agad bumalik sa dati ang ekspresyon ko.
"Hmm."
Tumayo na ko at lumabas ng clinic ng walang sinasabi.
Masyado nga ata syang nagulat sa ginawa ko dahil ang lakas ng pagtulak na ginawa nya sakin at tumama pa ko sa edge ng kama.Nag lakad na lang ako deretso sa canteen dahil alam kong nandoon na sila Kim at tulad nga ng pinag usapan namin, dinala nya ang bag ko pero nakakapag taka at kasama nila ang dalawang kaibigan ni Astrid.
"Leigh!"
Si Sari na kumaway pa. Tinanguan ko lang sya tyaka lumapit sa kanila.
Naupo ako sa tabi ni Kim na tahimik lang."Yow."
Bulong ko kay Kim."Oh?"
"Tahimik mo?"
"Daldal mo?"
"Tss"
Ano naman kayang problema ng babaeng to?
Hindi ko na lang sya pinansin at tinignan sila isa isa."Order muna ko."
"Wait! My treat. Niligtas mo kami ni Ash kaya gusto kong ilibre kayo."
Si Sari.
"Ako na oorder.""No need. Hindi mo kailangang bayaran ang ginawa ko."
"Wait—"
Hindi ko na sya pinansin at nag lakad na papunta sa pila.
"Nako. Ganyan yang babaeng yan. Masanay na kayo."
Narinig ko pang sabi ni Kim.Pumila na ko at kahit hindi ko tignan alam kong napakaraming pares ng mata ang nakatingin sakin ngayon.
"Did you heard na news?"
"Oo nga, grabe gangster pala ang babaeng yan?"
"Schocks! Baka ipa sabotage tayo nyan!"
"Nakakatakot pala sya. Dapat iwasan natin ang babaeng yan."
Alam ko ng mangyayare to at dapat gumagawa ako ng paraan para matigil na ang mga usap usapan tungkol sakin dahil kapag nag kataon, malalaman na nila kung nasaan ako.
Sabagay, sa ginawa ko pa lang na pangengealam, dapat naisip ko ng posible akong mahuli.
Hindi ko na lang pinansin ang mga bulungan at bumalik na din agad sa table namin.
"Oo nga bakit ganun? Sya yung babae pero sya tong todo effort."
Naabutan kong sabi ni Aj. Naupo na ko at sinimulan ng kumain ng hindi sila nililingon.
"Sweet naman kase talaga yung si Ash."
Si Sari."Sila na ba talaga ni Ryker?"
Si Jay."Ay ang bakla, sumasagap na naman ng balita!"
Si Aj na ikinatawa naman nila."Gaga! Yun kase ang laman ng balita ngayon no! Palibhasa puro lalaki lang inaatupag mo!"
"Syempre no! Alangan namang puro babae atupagin ko eh mga ateng ko sila kaya wala me pake no!"
"Che! So ano nga? Sila na ba talaga?"
"Ano ba kayo. Kahit naman noon, nung wala pa silang label, gets na ng lahat na sila na."
Si Sari."Yeah. Sari's right. Hindi na namin pinapansin yung dalawang yun. Nakakaumay sa ka sweetan eh."
Si Zay."Nako, baka naiinggit ka lang! Bakit ba kase nag break pa kayo ni Nayi eh!"
Napaubo naman si Zay at halatang nabigla sa tanong ni Jay.
Nag angat ako ng tingin. Nakatingin sakin si Zay at tyaka ako nginitian.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...