ASTRID
Monday na at hindi ko alam kung dahil ba sa monday sickness o dahil sa hindi pag paparamdam sakin ni Ryker kaya kanina pa ko wala sa mood. Pag gising ko palang halos wala na kong inimikan at kahit si kuya nasungitan ko pa.
Nasa hallway kami ngayon papunta sa office ni dad at mukhang nakikisabay pa si Zay sa kawalan ko sa mood at nakumpira kong wala nga din sya sa mood ng tanungin kami ni Sari at ni Coach kanina sa training.
'Ano naman kayang drama nito ni Zay at nakikiramay pa?'
"Kamusta na daw si Kim?"
Rinig kong tanong ni Sari. Kausap nya sila Aj na kasabay namin."Nako goodnews bakla! Gumising na daw sya kanina!"
Masayang sabi ni Jay kaya napalingon agad ako sa kanya."Nako! Goodnews nga yan!!"
Si Sari.'Tama. Nakakatuwa at okay na sya.'
"Kelan daw sya nagising? Nandun kase kami kagabi pero hindi pa naman sya nagigising."
'What?! Pumunta sila without me?!!'
"Kaninang madaling araw daw! Hindi ko nga alam kung masaya ba si baklang Leigh eh!"
Si Jay."Kakaiba talaga yun! Wala man lang reaksyon!"
Si Aj."Ano ba kayo! Syempre masaya si Leigh. Mag kaibigan kaya sila. Hindi lang talaga sya expressive."
Si Amya.'Tama. Akalain mo ngang marunong palang umiyak yun eh! Akala ko pusong bato na talaga!'
Narating na namin ang office ni Dad at kumatok muna kami bago pumasok. Pare pareho naman kaming nahinto nang makita si Matt na nakatingin din samin... sakin.
"Good morning po.."
Bati nila sa mommy ni Matt."G-good morning po."
Bati ko din."Good morning din sa inyo."
Nakangiti pero malungkot na bati ng mommy ni Matt.Naupo na kami sa tapat nila at hindi ko maiwasang mailang dahil sa mga titig ni Matt. May security guard pa sa likod nila para siguro bilang bantay sa pwedeng gawin ni Matt.
Napatingin naman ako sa loob ng mismong office ni dad. Nasa loob sila ni Grace at parang may pinag uusapan.
Muli akong napatingin kay Matt na hindi parin inaalis ang tingin sakin. Hindi naman nakakatakot ang mga tingin nya. Para pa ngang sobrang malungkot ang mata nya at parang gusto pa nyang maiyak.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dito at pumasok si Drummer, kasama ang parents nya. Tumingin pa sya sakin at tyaka ngumisi kaya hindi ko napigilang mainis.
Naupo sila sa tapat namin na katabi nila Matt.
Nakipag titigan pa ko kay Drummer ng lumabas sila dad at Grace. Tumayo naman sila Drummer at humarap kay dad.
"Good morning po Dean."
Bati ni Drummer."Good morning Dean Bryleighn."
Parents ni Drummer."Good morning din sa inyo. Thank you for coming."
Si dad at nag kamay pa sila ng parents ni Drummer.
"Lets just wait for the others."Kasunod nila ay dumating din yung tatlong freshman na binugbog ni Nerdy kasama ang parents nila at naupo sa tabi ni Dummer.
'May pa shade pa? Maaraw ba? Tss!'
Lumipas pa ang ilang minuto at bumukas muli ang pinto.
Pumasok si Nixon kasunod si Nerdy at ang parents ni Kim.
Naunang lumapit ang parents ni Kim kay dad at nakipag batian.
"Good morning Rom. Nice seeing the two of you again?"
Masayang bati ni Dad habang nakikipag kamay sa dad ni Kim.

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...