032

1.9K 61 1
                                    


ASTRID

After ng class ay nag decide kaming bumaba muna sa mini garden para doon tumambay. Naupo kami sa bench habang naghihintay kay Zay na bumibili sa canteen.

"Ang boring naman, walang klase.."

"Drama mo te. Kunwari kapa, for sure nga tuwang tuwa ka eh."

"Hahaha! Of course! Sino bang hindi. Nakakapagod din kaya sa room. Nakakapagod mag isip. Pero kung ganito lang din ang makikita, nakakasar lang."

Nakita ko si Nedy naglalakad kasama si Kimono at mukhang papunta silang library.

"Hi Astrid.."

"Yes, Laurence?"

Nakataas ang kilay na pinanood ko lang syang umupo sa tabi ko at ang kumag, inakbayan pa ko.

"Ano yan?"

"Wala naman.."

"Wala pala eh. Edi alis!"

"Hahaha ikaw naman. Teka, yun yung kaaway mo diba?"
Nakangusong turo nya kila Nerdy.

"So what?!"

"Ikaw naman, wag ka namang ganyan sakin."
Napaatras ang ulo ko ng bahagya syang lumapit.

"Listen to me, you jerk. Hindi ako interesado sayo so back off! Hindi kita type no! Alis nga!"

Parang nagulat sya at napapahiyang tumayo at patay malisyang umalis.

Pinagpag ko ang damit kong nadikit sa kanya at hinawi ang buhok ko. Napatingin naman ko kay Sari na tumatawa pa.

"What?!"
Inis na tanong ko.

"Grabe ka! Hahaha para kang magnet kung mang hila ng lalaki! Hahahaa"

"Tss! Hindi ko sila hinihila no! Sila ang kusang lumalapit! Tyaka yang Laurence lang naman na yan ang dikit ng dikit sakin! Kainis, amoy yosi na tuloy tong uniform ko!"
Pinagpag kong muli ang uniform ko.

Kinuha ko ang perfume ko sa bag at nag spray sa buong uniform ko.

"Nako! Sinabi mo pa! At alam mo daw ba ang sinagot kay Mr. Ferb?? Abay akalain mong sabihin ba namang teacher lang daw sya! Parang sinasabi daw nung estudyante na binababayaran labg sya para turuan!"

"Talaga?"

"Oo. At ang sabi ni Mr. Ferb, inaawat na sya ni Armando, yung Secretary ng Student Council? Abay ayaw pa daw talagang mag paawat nung dalawang bata! Mga bastos palang talaga!"

"Aba, kakaiba pala talaga ang mga batang yun. Baka kaya naman sila pinaalis sa QIS dahil sa kagaspangan ng pag uugali?"

"Nako! Malamang ay yan nga ang dahilan!"

"Nako! Wag lang talaga mapunta sa klase ko ang mga lokong yun!"

Nagkatinginan naman kami ni Sari.

"Narinig mo yun?!"

"Duh Sari! Malamang hindi ako bingi no!"

"Hmm. Sila Nerdy yata ang pinag uusapan nila."
Si Sari.

Napatingin ulit ako sa dinaanan nila Nerdy kanina.

'Bakit naman kaya ganun ang mga sinasabi ng Instructors tungkol sa kanila?'

Maya maya dumating na di si Zay.

"Ang tagal mo nam—"

"May nalaman ako."

"Oh my, Zay.. kelan ka pa naging chismosa?"
Biro ni Sari.

"Sira. May narinig lang ako tungkol kila Leigh."

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon