LEIGHTON
Matapos ng konting trabaho sa ShareHauz Resto ay umuwi na rin agad ako. Hindi katulad ng bar, sa resto hindi ko maramdaman ang trabahong meron ako dahil hindi naman ganun karami ang tao. Madalas hindi rin ako nakakaramdam ng pagod, hindi pagod na dahil sa dami ng trabaho kundi sa pagiging peke. Pekeng ngiti, pekeng pag titimpi at pekeng pakikisama sa mga tamad na costumer.
"Sa wakas gising ka na rin!"
Bungad sakin ni Kim ng bumaba ako sa kusina. Natulog kase agad ako pag uwi dahil alam ko namang makikipag daldalan lang sya sakin.
"Kumain ka. May pagkain dyan."Sabi nya habang naglilinis ng sala. Hindi na lang ako umimik at dumeretso na sa kusina. Hindi naman ako nagugutom kaya nag timpla na lang ako ng kape.
"S-sasama ka talaga sa libing?"
Nahihiyang tanong sakin ni Kim ng makalapit sya sakin. Naupo sya sa katapat kong upuan at nakatingin sakin na naghihintay ng sagot ko."Bakit ako sasama? Patay na ba ko?"
Seryosong saad ko tyaka sumimsim ng kape."Gago! Ibig kong sabihin kung makikilibing ka!"
Sigaw nya sakin."Tss."
Pag ismid ko at nilagok lahat ng kape sa baso.
"Bilang lang ang libing pinupuntahan ko, at sila yung mga taong mahalaga sa buhay ko.""Sana ako din maging mahalaga sa buhay mo."
Pabulong na sabi nya."Edi papatayin kita tapos hintayin mong makilibing ako. Pag nakita mo ko edi mahalaga ka."
Nakangising sabi ko sa kanya. Agad na nag angat naman sya ng tingin."Baluga ka! Marami pa kong pangarap no!"
Sigaw nya ulit. Nag kibit balikat lang ako tyaka tumayo para ilagay sa lababo ang basong ginamit ko."Pero..."
Maya may ang sabi nya. Hindi ko naman sya nilingon at tinuloy ko lang hugasan ang baso.
"Ayos lang ba sayong makita ulit ang pamilya mo? For sure pupunta sila."Hindi muna ako sumagot at matapos ilagay ang baso sa lalagyan ay tyaka ko sya hinarap habang nag pupunas ng kamay sa towel.
"Masaya nga yun eh."
Nakangising sabi ko at tinalikuran na sya.Naligo lang ako at kahit hindi ko gusto ay nag suot ako ng presentableng damit.
'Kahit sa libing na lang nya, magawa ko ang gusto nya.'
Matapos itali ang buhok ay bumaba na rin ako at nabutan ko si Kim na handa na rin para sa pag alis.
"Hanep. Mukha kang inosente sa soot mo!"
Puri nya ng makababa ako ng hagdan. Tinignan ko naman ang soot ko. Wala namang espesyal sa soot kong leather pants, rubber shoes at isang white polo shirt."Bakit? Anong meron sa soot ko?"
Takang tanong ko."Hahaha! Wala naman! Puro ka kase itim kaya para kang may kulto eh at least dyan sa puti mukha kang anghel! Hahaha!"
"Tss. Baliw."
Sabay naman kaming napatingin sa pinto ng makarinig ng katok. Binuksan naman to ni Kim habang ako ay naupo sa isang baitang ng hagdan at nag tatali ng sintas.
"Good afternoon ladies."
Boses palang alam ko ng si Nixon ang pumasok.
"Are you ready?""Hmm."
Sagot ni Kim.
"Pwede bang sumabay? Kilala ko si Dad alam kong may binayaran yun para tignan ako eh baka makita akong naka motor, malagot pako.""Haaha. No problem. Ikaw Helwatie?"
Hindi ako sumagot dahil kanina pa ko naiinis sa sintas kong hindi ko man lang mabuhol ng maayos.
"Ako na nga."
Bigla ay may kamay ang kumuha ng mga sintas sa kamay ko. Tinignan ko naman si Nixon na nakaluhod sa harap ko at ekspertong binuhol ang sintas ko.
"Youve never change. Hindi ka parin marunong mag tali ng sintas mo."
Natatawang sabi nya habang sinisintas ng maayos ang kabila.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...