LEIGH
Nasa classroom na kami ngayon at wala namang tigil sa kakabulungan ang mga nasa paligid namin pero hindi ko na lang sila pinansin.
"Grabe talaga ngayong araw!"
Si Aj
"Nakakaloka na ang mga nangyayare! Ganito na ba kalala ang gulo nyo ni Astrid?""Bakla. Hindi naman talaga si Leigh ang may kasalanan. Bakit nga kaya hindi natin nakita ang gumawa, Leigh ?"
Si Jay. Hindi ko sya sinagot."Sino naman kaya ang gumawa nun?"
Si Amya.Kung ano ano pang sinabi nila pero hindi ko na lang sila pinansin at pinatong ko na lang ang ulo ko sa sandalan ng upuan ko at tyaka tumitig sa kisame.
"Ahm.. Leigh.."
Si Kim at bahagya pang hinila ang damit ko sa likod.
"S-sorry na kanina.. h-hindi naman kita sinsisi eh... uy.."Hindi ako sumagot at pumikit na lang. Pakiramdam ko sobra akong napagod ngayong araw. Masyado atang marami ang sinabi ko kanina.
Ang dami ko pang dapat tapusin. Kung hindi lang sana bukas na kailangan yung presentation edi walang problema. Malaking tulong na rin ang abong yun kung sakali.
"Leigh... sorry na.."
Oo nga pala. Hindi pa namna ako tatantanan ng babaeng to hanggat hindi ko sya kinakausap.
"Pwede ka bang dumaan kay Ced mamaya?"
Tanong ko at tinignan sya na ngayon ay nasa harap ko na."O-oo naman. Bakit?"
"Sabihin mo yung changes sa sched natin."
"Ay oo nga pala. Buti pinaalala mo."
"Itanong mo na rin sa kanya kung pwedeng mag overtime na lang tayo kapag saturday at sunday."
"Osige. Eh teka, pano ka?"
"Paguusapan pa namin ni Abo ang gagawin."
"Eh paano ka mag rereview nyan? Kailangan nating pumasa sa history."
Hindi na ako sumagot. Maliban sa ayoko ng mag salita ay hindi ko rin alam ang isasagot ko. Wala naman akong takas sa lahat ng dapat gawin. Bahala na.
Maya maya lang din ay dumating na ang instructor kaya naag simula na ang klase.
Matapos ang buong klase ay sabay sabay kaming limang pumunta sa harap ng library. Hindi ko alam kung bakit sumama pa ang apat na to pero hindi ko na lang pinansin.
"Dito kayo gagawa?"
Si Kim."Dito kami mag kikita."
"Mukhang wala pa ata sila Astrid."
Si Aj."Baka iindianin ka bakla."
Si Jay."Ayan na sila."
Si Amya.Sabay sabay na napatingin kami kila Zay na nag lalakad palapit samin. Himala at nakangiti si Abo pero halatang may binabalak na naman.
"Susunduin ko lang yung prinsipe ko. So dyan muna kayo."
Mataray na sabi niya ng makalapit samin."Ano?! Naghintay na nga kami, tapos paghihintayin mo ulit kami?!"
Si Kim."Edi umalis ka. Sinabi ko bang mag hintay ka?!"
"Abat! Hoy! Sigurado naman akong gumaganti ka lang. Ano yan, baligtad na?! Babae na ang sumusundo sa lalaki?! Nanandya ka lang eh!"
"Ano bang paki mo?! Wala naman kaseng may sabing maghintay ka ah!"
"Si—"
"Sige na."
Sabi ko.

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
أدب المراهقين"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...