071

1.6K 76 4
                                    

ASTRID

Tahimik na pumasok kami sa office ni dad. Naabutan namin si Matt kasama ang mommy nya at halata ang galit sa mukha ng mommy ni Matt.

Pumasok si dad na halata parin ang galit kasama si...

'Si kuya?! Ano namang ginagawa nya dito?!'

"Sige. Mag siupo kayong lahat dyan!"
Galit na utos ni Dad kaya naman tahimik na sumunod na lang kami.

"Wheres Miss Gunner?!"

"Dean, shes still at the hospital. Ginagamot po ang sugat sa kamay nya."
Si Grace na nasa gilid nya.

"So care to explain what is happening?! Bakit sa tuwing may gulo ay malalaman ko na lang kapag may naoospital na?!"
Galit muling tanong ni Dad. Halos lahat kami ay napatungo na lang sa tuwing isa isa kaming tinitignan ni Dad.

"Ano bang nangyayare sa inyo?! Palagi na lang kayo ang laman ng gulong to! Wala akong pake sa sasabihin ng ibang schools or universities what i care the most is you! Lahat ng mga estudyante! Ano na lang iisipin ng mga magulang nyo? Na tinotolerate namin ang mga kalokohan nyo?! Na pinapabayaan namin kayo?! Para saan pa ang opisina ng mga teachers ninyo kung wala man lang ni isa sa inyong nag sasabi sa nangyayare?!"
Tyaka sya bumaling kay Grace.
"Grace! How is Miss Haittee and Miss Kaiya's condition?!"

"Miss Kaiya is still unconscious but based on her doctor, shes stable now. Its just due to stress and fatigue while Miss Haittee is still unconscious and need to undergo surgery. She has major head injury, Dean."

Nasapo ni Dad ang ulo nya at muling tumingin samin.

"Mister Vito, ano ba talagang nangyare?!"

"D-dean... w-wala po akong kasalanan. H-hindi ko po alam yan.."
Takot na sabi ni Matt.
"Mommy...."

"Anak, calm down. Dont worry. Naniniwala ako sayo."

Huminga ng malalim si dad tyaka bumaling samin.

"What happened to Miss Kaiya?! Bakit nawalan sya ng malay?!"

"T-tinulak po sya ni Gunner Dean at tumama po sya sa lamesa kaya nawalan po sya ng malay."
Si Ryker.

"Pero hindi naman po sinasadya yun ni Leigh!"
Agad na singit ni Zay kaya naman halos sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

"Opo! Tama po yun Dean. Bigla po kase nyang sinugod si Leigh kaya po siguro... n-nagawa yun ni Leigh as a self defense.."
Sigunda naman ni Sari.

'Talaga bang pinagtatanggol pa nila ang babaeng yun sa harap ni dad?'

"Pero hindi sapat yun para gawin nya yun kay Stephanie!"
Galit na sabi ni Ryker sa dalawa.

Tama naman si Ryker pero bakit naiinis ako sa ideyang nagagalit sya dahil nasaktan si Steph.

'Masyado lang sigurong mabait si Ryker. Tama. Yun lang yun! Baka nga kung ako ang napahamak baka nasaktan na rin nya si Nerdy sa galit.'

"Stop! Mister Kayson is right. Hindi sapat na rason na gawin nya yun. Paano na lang kung napasama ang tama ni Miss Kaiya?!"

Mag sasalita pa sana ako ng may kumatok sa pinto at pumasok si Nerdy kasama si Nixon.

Ayan na naman ang wala nyang  ekspresyon na kahit anong pilit mong hanapan wala kang makikita kahit na ano. Napakahirap basahin ng mga mata nya na parang pilit nyang tinatago ang totoo nyang nararamdaman.

"Sorry dean were late. Pinagamot ko pa kase ang sugat sa kamay nya."
Si Nixon.

"Sige maupo kayo."
Sinunod naman nila ang sinabi ni Dean. Pinaupo ni Nixon si Nerdy at tumayo sa likod nya.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon