ASTRID
Isang linggo na ang lumipas simula nung marinig ng lahat ang naging desisyon ni Dad. Isang linggo na ring naging payapa ang pag aaral ko dahil sa pagiging suspended nila nerdy, pero hindi ang utak ko. Hindi ko maiwasang lagi syang maalala.
'Pero hindi dahil miss ko sya! Kundi dahil... dahil hanggang ngayon nahihiwagaan parin ako sa pagkatao nya!'
Ilang linggo na lang rin at mag sisimula na ang ICAM pero isang masamang balita ang narinig namin mula kay Dad ng iannounce nya kanina na namatay na ang may ari ng QIS, ang lolo ni Cadence. Hindi ko maiwasang mag alala kay kuya dahil halatang apektado talaga sya at pinipilit nya lang na wag ipahalata sa lahat.
Matapos nga ang klase ay umuwi muna kami sa bahay para makapag palit at dumeretso na rin kami sa bahay nila Cadence.
Para sa mga normal na estudyante, hindi ganun kakilala ang lolo ni Cadence pero sa mga kilalang tao, at mga malalapit na kaibigan, kilalang kilala sya.
Napakaraming tao. Sa tingin ko karamihan sa kanila ay mga kasamahan nya sa trabaho. Mga teachers at ilang estudyante ng parehong school.
Pumasok na kami at sinalubong naman kami ng mommy at Daddy ni Cadence. Kasama nila ang lola ni Cadence na nasa wheelchair.
"Condolence po."
Sabi ni Nanay Lorna."Thank you.. salamat sa inyo. Come in."
Pilit ang ngiting sabi ng mommy ni Cadence. Namumugto pa ang mga mata nya na halatang kagagaling lang sa iyak.Tumuloy kami at sumilip sa coffin ng lolo ni Cadence. Nalulungkot ako na nawala na talaga ang magaling na founder ng QIS. Isa syang legend ika nga ng iba. Maraming nag iiyakan at halatang nasasaktan sa pagkawala ng matanda.
Naramdam ko ang kamay ni dad sa likod ko at inakay na ko paupo. Pangalawa kami sa Raw at nasa harap lang namin ang parents ni Cadence na hindi parin matigil sa pag iyak. Lumapit samin si Kuya na mapula din ang mata na halatang umiyak. Niyakap nya lang ako at si Nay Lorna tyaka lumapit kay tita Mae.
"Tita."
Si Kuya na tumikhim pa.
"Ayaw parin hong kumain ni Cadence eh."Hindi naman kami kumibo ni Nay Lorna.
"H-hayaan mo muna sya hijo. Kakausapin ko na lang sya mamaya."
Sabi ni tita tyaka tumayo.
"Excuse me. Maiwan ko muna kayo.""Sige po."
Sabi ko. Nang makaalis si tita ay tyaka lang ako bumaling kay kuya.
"I-is she okay?""Shes not. Hindi pa sya kumakain simula kaninang umaga. Kanina pa sya palakad lakad para asikasuhin ang mga bisita. Nag aalala na ko kase hindi pa sya nag papahinga."
"Hijo, Brent anak. Baka naman gusto nya lang na maging maayos ang burol ng lolo nya."
Sabat ni Nay Lorna na hinahagod pa ang kamay ni kuya."Maiintindihan ko naman po kung ganun pero ayaw man lang nyang mag paasikaso samin kahit sa mga parents nya. S-si lola Carmen lang ang nakakausap nya ng matino. Nag aalala na talaga ko sa kanya."
"Bakit naman?"
Takang tanong ko."Simula pa kanina, h-hindi pa sya umiiyak. Palagi syang nakangiti sa mga bisita. Natatakot akong baka pinipilit nya lang ang sarili nya na maging okay. Baka nag papanggap lang sya na ayos sya pero deep inside hindi naman."
Naiiyak ng sabi ni Kuya.'Seeing how he cries for Cadence, mukhang mahal talaga nya si Cadence.'
"Laki sa lolo at lola si Cadence. Mas malapit pa sya sa kanila kesa sa parents nya kaya alam kong tinatago nya lang samin ang totoo nyang nararamdaman. Alam nya kaseng sya lang ang huhugutan ng lakas ng lola nya."
Sabi pa nya tyaka tumingin kay lola Carmen kaya napatingin din ako.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...