LEIGHTONNagising ako dahil sa mabangong amoy na tingin ko ay nag mumula sa ibaba. Mabilis na nag rambulan ang bituka ko sa gutom kaya naman bumaba na rin ako agad matapos itupi ang kumot.
"Naks. Aga mo ngayon ah."
Bati sakin ni Kim nang pumunta akong kusina. Kumuha ako ng tubig na hindi malamig at tyaka uminom bago sya sagutin."Amoy masarap eh."
"Naman! Itlog at tuyo. Hindi lang yan. Charan!!! With talong at kamatis!"
"Nice. Nag sangang ka ba?"
"Oo naman yes. Ako paba?!"
"Nice, nice. Nag kape kana?"
"Hindi pa. Mag titimpla ka? Sabay mo ko."
Inabot ko ang dalawang tasa at tyaka nag timpla. Isang magandang dahilan ng pag stay nya dito ay ang masasarap na pag kaing nakakain ko. Malamang kase, kung wala sya, kung saan saang fast food lang ako kakain.
Dinala ko na ang dalawang kape sa lamesa at nakahain na rin ang mga pagkain.
Tahimik lang kaming kumakain at tila abala sa pag subo. Pero hindi na ko nag takang bigla syang mag sasalita dahil ang pagtahimik ang malabo nyang gawin.
"Grabe, mukhang pagod na pagod ka talaga kagabi."
"Tangna. Lunukin mo nga muna yang nasa bibig mo! Wala kang galang sa pag kain!"
Inis na sabi ko ng tumalsik ang ilang butil ng kanin sa braso ko.
Ginawa nya naman ang sinabi ko.
"Hoy. Arte mo! Parang isang piraso lang eh. Kinamatay mo?!"
Hindi ko sya pinansin."Kung makapag sabi ng hindi gumagalang, ikaw nga tong kung kumain, laging nakataas ang isang paa. Hindi na ko mag tataka kung isang araw yan na ang gamit mo sa pag kain."
"Tss"
Akala ko tatahimik na sya pero sabi ko nga, pagtahimik ang isang bagay na malabo nyang gawin.
"Pero grabe talaga yung pagod mo kagabi. Rinig ko pa nga yung hilik mo hanggang kwarto ko eh."
'OA'
"Dancer eh."
"Tungek! Alam ko naman yun. Pero ang galing mo nga eh. Nakakatawa yung mga mukha nila nung nakilala ka, para silang instant naging taga hanga mo. Nakakaexcite namang pumasok sa monday."
"Bakit?"
"Syempre, for sure mag iiba na ang approach sayo ng mga schoolmate natin. Idol ka na nga ng karamihan eh."
"Tss. Malabo. Malabo pa sa mata ng awtor na to yang sinasabi mo."
"Ha? Pinag sasabi mo? Tyaka bakit naman malabo?"
"Alam mo namang nag talo na naman kami ni Astrid diba? Halos dumugin na ko ng mga galit nyang tagahanga dahil sa nangyare."
"Oo nga pala. Ano nga ba kase talagang nangyare? Nagulat na lang kami nila Amya napapalibutan na kayo ng mga estudyante."
"Hindi nyo nakita?"
"Mag tatanong ba ko kung nakita namin? Gosh, Leighton! Nasan ang utak?!"
Inismiran ko na lang sya dahil umaandar na naman ang pagiging pilosopo tasyo nya.
"Ano ba kaseng nangyare? Basta ang alam lang namin sumasayaw sila Astrid sa stage tapos nag katilian na nung lumuhod si Ryker pero ang best part eh halos kinikilig na ang lahat ng biglang tumugtog yung Lets Kill This Love ng Blackpink. Hanep hahaha sapul na sapul ang mga bitter. Hahhahaa"
![](https://img.wattpad.com/cover/207478663-288-k232139.jpg)
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...