028

2.2K 61 3
                                    

LEIGH

Umakyat na lang kami ni Kim sa room kesa kausapin sila Aira na wala namang kwentang kausap.

"Nasa mood daw mangasar. Sabagay, mukha pa lang nila, nakakaasar na! Tss."

Natawa si Kim.

"Mga pa epal. Nag effort pang bumili ng strawberry shake para lang mangasar! Iba din! Hahaha"

Maya maya lang din ay dumating na ang instructor namin at nag start na ang klase.

Halos puro discussion lang din at tyaka na bumida si Beethoven hudyat na break na.

Pababa na kami ng hagdan ng may biglang humablot ng bag ko at dahil nga hindi ako naging handa ay naging dahilan iyon ng pagkakahulog ko.

"Wahahahahahha!"

"Hahahahahha!"

"Gagi! Epic! Hahahahaha"

"Sakit nun! Hahahahaha"

"Oh my, Leigh, okay ka lang?"
Si Amya.

"Leigh!"
Si Kim.

Tinulungan nila akong tumayo.

"Okay lang."

"Lampa ka ba o sadyang tatanga tanga lang?!"

Tinignan ko lang sya ng seryoso. Hindi sya katangkaran. Maitim sya at chubby din. Nakasalamin at nasa taas sya ng hagdan na kinahulugan ko.

"At sino ka naman?"
Inis na tanong ko.

"Ha! Hindi moko kilala?!"

'Tss. Mag tatanong ba ko kung kilala ko sya?'

Kinuha ko ang backpack ko at sinabit ko sa balikat ko. Astang aalis na dapat ako pero...

"At saan mo balak pumunta?! Hindi pa tayo tapos mag usap!"

Mayabang na sabi nya at hinawakan pa ko sa balikat pero mabilis na hinawakan ko ang kamay nya at pinilipit tyaka sya tinulak ng malakas.

"Woah... so totoo pala ang balita tungkol sayo. Matapang ka pala talaga. Hahahaha ano pa bang kaya mong gawin, ha?!"

"Tss."

"Opps, opps, tama na yan. Tara na Leigh."
Si Aj. Hinawakan nya ko sa braso at inalalayan na paalis.

Nilingon ko yung lalaki at nakaturo sya sakin.

"Ill keep an eye on you.."
Nakangisi nyang sabi habang tinuro pa ang dalawang mata papunta sakin.

"Leigh, okay ka lang ba talaga?"
Tinanguan ko lang si Kim.

"Sino ba kase yung mga yun?"

"Siga dito."
Si Jay.

"Wow. So hindi lang pala sila Abo ang siga dito?"
Komento ni Kim.

"Nako. Maraming siga dito. Pero mas matindi sila. Sila, nangbubugbog talaga. Tyaka... boyfriend yun ni Aira."

"A-ano?!"
Si Kim. Kahit ako napahinto sa pag lalakad.

"Oo nga. Boyfriend nga ni —"

Nag katinginan kani ni Kim at..

"Bwaahahahaha!"

Halakhak ni Kim. Hindi ko rin napigilang mapangiti.

"O bakit?"

"Bwaahahaha! Pucha! Lakas ng loob ng babaeng yun insultuhin kaming maitim tapos yung boyfriend nya, parang pwet ng kawali! Hahaha"
Natatawang sabi ni Kim.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon