LEIGH
"Sshhhh. Hanggat humihinga ako, hindi ko hahayaang may mangyareng masama sayo."
Napakabilis ng tibok ng puso nya. Sobrang natakot siguro talaga sya kaya hanggang ngayon ramdam ko parin ang pag pagtibok nito.
Hindi ko alam kung bakit bigla ko syang niyakap basta ng bigla syang mag burst out yun lang ang naisip kong paraan para mawala ang takot nya at para narin matahimik sya.
Bumitaw na ko mula sa pag kakayakap ko kay Astrid. Bahagya pa syang humihikbi habang pinupunasan ang pisngi at mata nya. Nakakamanghang hindi pa sya hinihimatay. Kadalasan kase sa babaeng nasa ganitong sitwasyon, hinihimatay dahil sa sobrang takot pero sya? Sabagay, nakikipag talo pa nga sya kanina eh.
'Tss. Kakaiba talaga.'
"Tumigil ka na nga sa pag iyak. Hindi kana bata. Isa pa ang panget mong umiyak."
Sabi ko na lang para mabawasan ang nararamdaman nya. Mukhang effective naman kase bumalik na ang dating natural nyang ekspresyon. Mas okay na makita syang nakasimangot at mataray kesa makita syang umiiyak.'At hindi ko alam kung bakit.'
"How dare you! Bawiin mo yang sinabi mo!"
Napangisi na lang ako sa asta nya.
Kanina lang kung makaatungal sya parang hindi ako ang kasama nya.
"Ha! Wag nyo sabihing may relasyon kayong dalawa?!"
Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ko at halos sabay kaming napalingon sa likuran ko.
"Tss. Bakit nandito kapa?"
"Sagutin nyo ang tanong ko! May relasyon ba kayong dalawa?!"
"A-are you stupid, Drummer?! H-hindi porket n-nag kayakap kami eh may relasyon na kami!"
Sigaw ni Astrid."Eh ano palang tawag dyan sa ginagawa nyo?!"
Tanong nya na may nakakalokong ngiti.Napatingin ako kay Astrid na biglang tumahimik at nag katinginan kami. Parang bakas pa ang gulat at pagkailang nya. Nakaramdam naman ako ng inis dahil baka iba ang naging dating sa kanya ng ginawa ko.
'Ano bang mali sa ginawa ko? Wala namang meaning yun ah?! At hindi naman dapat bigyan ng meaning!'
"Masyado kang madaldal para sa isang lalaki."
Sabi ko na lang ng makabaling na kay Drummer."Kung ganun mukhang tama ako! May tinatago pala kayong dalawa! Hahahahaha! Kaya naman pala biglang naging magkakampi kayo eh dahil may relasyon kayo!"
Pareho kaming hindi umimik ni Astrid. Tinignan ko lang si Drummer at bored na hinintay na lang syang matapos sa kakadada.
"Ano na lang kaya ang mangyayare kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa issue na to?! Hahahhaha! Malamang maraming mandidiri! Ang nagiisang anak na babae ng mga Bryleighn ay may relasyon sa kapwa nya babae?! Hahahhaha! Nakakadiri kayo!"
Napahikab pako tyaka bumaling kay Astrid. Ganun parin ang reaksyon nya.
"Woi. Okay ka lang?"
Tanong ko sa kanya."H-ha?"
Parang gulat na sagot nya."Tss. Umuwi kana."
Sabi ko sa kanya tyaka bumaling kay Drummer.
"At ikaw. Umalis ka na rin.""Wag mo nga kong utusan!"
"Alam mo, hindi talaga ako sanay na niluluhuran ako eh dahil hindi naman ako santo, pero hindi na ko makapag hintay na dumating yung panahon na kusa kang yuyuko sa harap ko."
Nakangisi kong sabi."Hahahahha! Baka baligtad! Baka ikaw ang lumuhod sakin! Hindi mo ko kilala—"
*YOOOWWWNNNNN*
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Genç Kurgu"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...