ASTRID
Nagising ako sa mga boses na hindi ko alam kung saan nag mumula. Parang ang bigat bigat ng katawan ko at hindi ko magalaw, maging ang mga talukap ng mata ko parang napakabigat at hindi ko maiangat. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na makiramdam at makinig.
"Masyado syang nasaktan sa mga nalaman nya kagabi. Ryker is her first boyfriend kaya hindi na nakakapag takang mahalin nya ito ng sobra. Nasaktan na sya ng makitang mag kasama sila Cadence at Ryker sa iisang bahay tapos... nahuli nya mismo sa akto ang kababuyan nila ni Steph!"
"Im sorry for the term Zay pero mas mahal ko si Ash kesa sa pinsan mo!"
"Dont worry. Higit pa sa galit mo ang galit na nararamdaman ko."
"Hindi ko akalaing magagawa nya yun kay Ash. Alam nyang best friend ko si Ash pero nagawa nya parin tong saktan!"
"I actually dont know if i can forgive him."
"We really dont know him personally. Kaya pala kapag hinahanap namin sya kay Dry, hindi sya sumasama its because his not serious with my baby. Naiintindihan kong madalas na nagagawa ng isang lalaki na lokohin ang partner nya but i didnt know na gagawin nya to kay Dry.."
"Bakit naman kase hinayaan mong umuwi ng mag isa ang anak mo?!"
"I know.."
"I know its my fault and i regret it. Pero malaki na si Dry, hindi ko sya mapipigilang solusyanan nya ng mag isa ang problema nya. Kahit naman samahan ko syang umuwi, hindi nya rin naman ako isasama na kausapin si Ryker."
"Were sorry too, tita, tito."
"Hindi na dapat namin sya tinolerate sa pag inom nya. Nakita lang po kase namin kung gaano nasaktan si Ash kaya naisip namin na hayaan muna syang ilabas lahat ng galit nya. We didnt know na ganito pala ang mang yayare."
"Oo nga po. Sorry po talaga tita, tito."
"Sana sinamahan ko na lang syang lumabas. Kung alam ko lang sanang mangyayare to sana hindi ko sya hinayaang lumabas mag isa."
"Stop it. Its not your fault."
"Masaya nga ako at nandun kayo para samahan si Dry. Shes a very independent woman kaya naman hindi na ko nagulat na kayo ang tinawagan nya para samahan sya."
"Pare pareho nating hindi gusto ang nangyare. Wala namang ibang dapat sisihin dito kundi ang mga kriminal na yun!"
Tama sila hindi nila kasalanan ang nangyare sakin. Kasalanan ko talaga kung bakit nangyare sakin to. Masyado kase akong naging kampante na kaya kong iligtas ang sarili ko kahit na ang totoo wala naman akong nagagawa para ipagtanggol ang sarili ko.
"Tama na Sar. Ang mahalaga, okay na ngayon si Ash. Mabuti na lang talaga at dumating si Leigh para iligtas sya."
Tama. Si Nerdy. Hindi ko alam kung dahil ba sya ang huli kong nakita, sya ang huli kong naamoy kaya parang hanggang ngayon naamoy ko parin sya. Ang pabangong dati nakakairita. Ang pabango nyang parang panlalaki at masakit sa ilong.
Kagabi nang makita ko kung pano nya bugbugin ang mag lalaking yun, hindi ko alam kung bakit imbis na matakot ay natuwa pa ko. Pakiramdam ko kaya nyang pumatay para sakin. Nawalan na ko ng pagasa at wala na lang ibang nagawa kundi ang umiyak pero nung narinig ko ang boses nya kagabi, parang muling nabuhay ang pag asa ko. Nawala ang lahat ng takot ko at napalitan ng saya. Parang nakalimutan ko din ang totoong dahilan kung bakit ako nag pakalasing.
Pinilit ko ang sarili kong dumilat at sa wakas ay nagawa ko naman.
"Dry!! Oh my God!!"
Si mom ang unang bumungad sakin. Sunod sunod na hinalikan nya ko sa pisngi at maging ang luha nya ay sunod sunod din sa pag tulo.

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Novela Juvenil"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...