102

1.6K 83 0
                                    

ASTRID

Matapos naming mag usap nila mom ay nag kayayaan na kaming pumunta sa gym kung saan gaganapin ang billiard. Sobrang excited talaga ako at sobrang saya ko din dahil hindi na nakasama sila mom sakin dahil dumaan sila sa office ni Dean Kensington, ang daddy ni Cadence.

Mag kakasama kami nila Sari at Zay dahil medyo marami na ring tao sa loob ng gym kung saan gaganapin ang billiard. All set na at hindi naman ako marunong sa billiard kaya hindi ko alam ang mga tawag sa mga nandun. Basta sa gitna ay may billiard table. May mga bola na rin na nanduon at may mga upuan sa parehong dulo ng table na yun.

'Siguro para sa dalawang team na mag lalaban.'

Base sa pag kakarinig ko ay si nerdy ang unang game laban yung taga QIS at kanina ko pa naririnig ang samot saring bulungan tungkol sa kanilang dalawa.

"Wwwaaaaahhhhh!!!! Go Leigh!!!!!"

"Leighton!!!! Ang ganda mo!!!!!"

"Galingan mo Leighton!!!!!!"

"Gooooo ZIPS!!!!!!!!"

"Leighton!!!! Leighton!!! Leighton!!!!!"

Napatingin ako sa harap ng marinig ang mga sigawan na yan ng crowd. Nakita ko syang pumasok mula sa entrance at deretsong naupo sa bench nila.

"Oliviaaaaa!!!!!!"

"Go Oliviaaaaaa!!!!!!"

"Go QIS!!!!!!!"

"Olivia!!!! Olivia!!!!! Olivia!!!!"

"Galingan mo!!!!!"

"Ang astig nyo pareho!!!!!!!"

"Ang gaganda nyo!!!!!!"

Yan naman at iba pang sigawan ng pumasok naman yung Olivia na taga QIS.

Sa dating palang nya, sa mga ngiti pa lang nya, parang maangas ang dating nya, yun bang parang kini claim na nya na panalo na sya kahit hindi pa sila nag lalaban ni nerdy.

Ang dami pang sinasabi ng announcer. Pinakilala pa niya yung dalawang players at maging ang rules and regulations pero lahat yun hindi ko na inintindi dahil nakatuon lang ang tingin ko sa kanya.

'Sino naman kayang hinahanap nito?'

Hindi ko maiwasang mainis sa ideyang baka si Cadence ang hinahanap nya. Ilang beses pa syang luminga linga sa crowd pero ni isang beses hindi man lang nya ko tinignan. Naka dalawang beses pa nga syang tinawag ng announcer para lumapit dahil mukhang nakatuon lang ang atensyon nya sa kung sino mang hinahanap nya.

Nag usap pa sila kasama ang announcer na parang may pinapaalala.

"Are you ready players?!"

Tanong ng announcer.

"Yes!"
Masigla at puno ng yabang na sagot nung Olivia pero si nerdy tumango lang.

May kung ano pa silang ginawa at halos mag wala na naman ang crowd ng i announce na taga QIS ang unang mag lalaro.

Sinundan ko lang ng tingin si Nerdy na parang walang paki sa paligid. Parang bored na bored lang sya na nakaupo sa upuan nya.

Kung titignan sya, sya yung tipo ng taong hindi mo talaga mapapansin agad dahil sa sobrang tahimik nya. Hindi ko alam kung sadyang aloof lang sya o dahil ayaw nya lang talagang mag karon ng connection sa iba.

Sa panlabas na anyo, ayoko mang aminin pero may dating din talaga sya. Medyo skinny sya compare sakin. Bagay din sa kanya ang mahaba nyang buhok na hanggang ilalim ng kilikili nya. Nakakainis ding aminin pero ngayon, parang tingin ko, bagay na sa kanya ang mga suot nya na dati ang tingin ko lang ay ka jologsan. Napakalayo ng style nya sa uso ngayon pero hindi ko maipaliwanag kung bakit parang mas gusto ko syang makitang nakaganyan, yung parang laging may lamay na aatenan.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon