Sa mga hindi ko po narereplyan (agad) sa comment o kung saan pa man....
Sorry po 😭🙏😭
Nilalaan ko na lang kase yung oras sa pag type ng bagong update para sa inyo. Hhehehe.
Sana wag nyong isiping inisnab ko kayo ha. Feel free to approach me basta hindi tungkol sa pera. Char 😅😂
Yun lang hahahaha.
Gracias 😘😘
*********
157
***********
LEIGHTON
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Parang hindi ko na alam kung kanino ako magagalit o maaawa. Basta ang alam ko lang sobrang bigat ng dibdib ko at sorbang sakit ng nararamdaman ko. Parang higit pa yung sakit nito kesa sa tagiliran ko.
Parang pinupunit ang puso ko sa mga nalaman ko at hindi ko namalayang lumalabas na pala ang samot saring emosyon ko.
Gusto kong magwala...
Gusto kong ipakita na hindi ako apektado...
Gusto kong ipaalam sa kanila na sawa na ko sa mga kasinungalingan nila pero hindi ko magawa...
Ngayon, parang ang gusto kong gawin ay manakit. Parang gusto kong pumatay sa pag iisip na baka mawala ang lahat ng nararamdaman ko kahit na alam kong hindi naman mangyayare yun.
"Shhh... im here... im here nerdy..."
Bulong sakin ni Abo at hindi ko alam kung bakit sa mga salita nya, sa boses nya at sa presensya nya... parang kusang kumakawala ang nararamdaman ko.Kahit anong gawin ko nandun yung sakit.
Para sa mahihina lang ang pag iyak. Dahil kahit naman maubos pa ang tubig sa katawan ko wala paring mag babago... mapapagod lang ako!
Pero ano tong ginagawa ko?!
Nung nakita ko palang si Abo parang nag unahan na sa pag labas ang mga nakakulong kong emosyon. Parang biglang nawala yung pader sa puso ko at tuluyan na kong bumigay.
Kahit anong iyak ko hindi nababawasan yung sakit na nararamdaman ko pero sa paraan ng pag yakap nya sakin ngayon parang nabawasan yung bigat ng dibdib ko. Sa bawat haplos ng kamay nya sa ulo ko pakiramdam ko may kakampi ako.. pakiramdam ko sya lang yung taong nakakaintindi sa nararamdaman ko.
"Im sorry... im here baby."
Bulong nya sakin at naramdaman ko ang pag halik nya sa ulo ko.Pareho kaming tila walang paki sa presensya nilang lahat...
Wala akong paki kung anong isipin nila o kung anong sabihin nila dahil pakiramdam ko anytime susukuan ko na talaga ang buhay ko.
Pakiramdam ko pinag lalaruan ako ng tadhana... ng kapalaran. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang gawing kumplekado ang lahat.
Bakit hindi na lang nila sinabi noon pa?! Bakit hindi nila inamin sakin noon pa para hindi ganito kabigat!
"I-ihahatid ko na po muna sya sa room nya."
Rinig kong sabi ni Abo pero nanatili akong nakatungo sa balikat nya."M-mabuti pa nga... she need to rest."
Rinig kong sabi ni Dad.Hindi ko na hinintay si Abo at ako na mismo ang humiwalay. Kahit kaya ko ang sarili ko ay hinayaan ko na lang syang umalalay sakin. Walang lingon na umalis ako sa kuwartong yun.
Mabagal na nag lakad kami sa hallway ng ospital at hindi ko na lang binigyang pansin ang mga tinginan samin ng mga nurse, doctor o pasyente.
"Kaya ko na."
Mahinang sabi ko sa kanya kaya nilingon nya ko.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...