058

1.9K 70 8
                                    

LEIGH

"H-hey... Astrid, wake up."

Sabi ko habang mahinang tinatapik ang braso nya.

"Ash! Okay lang ba sya?!"
Si Sari na umalis pa sa pag kakaalalay sa kanya ni Kim.

"Mabuti pa dalhin na natin sya sa hospital."
Suwestiyon ko at tumango naman sila.

Binuhat ko si Astrid at si Kim naman ay nakaalalay kay Sari. Pasakay na kami sa kotse ng dumating sila Aj at Amya kasama ang dalawang guard.

"Anong nangyare?!"
Si Aj.

"Okay lang ba kayo?!"
Si Amya.

"Dadalhin namin sila sa hospital."
Si Kim.

"Sige, ako na mag da drive."
Si Amya.

"Sige, kami na lang po muna ng bahala dito. Baka nandito pa yung mga holdaper."

Sabi ng isang guard pero hindi na kami umimik at mabilis na pumasok sa kotse ni Sari.

Mabilis naman kaming tinulungan ng mga nurse ng marating namin ang Zaire Hospital.

"Anong nangyare?"
Tanong samin ng doctor ng maihiga na namin si Astrid sa stretcher.

"Nabugbog po sya, doc."
Si Sari.

"Nurse, check the vital signs."

"Yes doc."

Hindi na kami hinayaan pang makapasok sa ER kaya naman hindi mapakali ang mga kasama ko.

"Sari, kailangan mo ding mag pagamot."
Si Amya.

Napatingin naman ako kay Sari na umiiyak na sa tabi ko at panay ang silip sa ER.

"Hindi. Okay lang ako."

"Pero may sugat ka din."

"Okay lang ako. Si Ash..."

Hindi na nya natuloy ang sasabihin ng mapahagulgol na naman sya. Inalalayan naman sya nila Amya na maupo.

"Ano ba kaseng nangyare?"
Si Aj.

"Ewan ko. Basta nasa parking na kami ng may biglang lumapit samin tapos bigla na lang sinampal si Ash nung isa sa kanila. Nung sinubukan kong protektakhan si Ash bigla na lang nila akong sinampal at sinuntok sa sikmura. Hindi nila ako binitawan. Si Ash naman, sinubukan nyang manlaban pero para syang hindi babae kung bugbugin nung mga yun!"
Umiiyak na kuwento ni Sari.

Kung ganun hindi parin pala sila nag babago.

'Ano naman kayang atraso ni Astrid sa kanila para ganyanin sya?'

"Si Zay?"
Tanong ko. Nag angat naman sya ng tingin sakin.

"N-nauna na syang umuwi. Masama kase ang pakiramdam nya kaya nag excuse sya sa training. Nang matapos naman yung training, nauna na silang umalis kaya naman kami na lang yung natira."

"Tawagan mo ang parents nya."

"W-wala ang mommy nya, nasa US na si Dean naman, may meeting."

"Si Kuya Brent kaya?"
Si Amya.

Napatingin naman ako kay Amya.

"O-oo nga. Sandali. Tatawagin ko."

Nakita ko naman syang nag dadial. Hindi ko na lang sila pinansin at tumingin na lang sa loob ng ER.

Mga hinayupak! Bakit parang wala naman silang ginagawa?!

"P-papunta na daw si Kuya Brent."
Si Sari kaya muli ko syang nilingon. Marami syang pasa at bumibilis na rin ang pag hinga nya dahil sa sobrang pag iyak.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon