054

1.8K 68 1
                                    

ASTRID

Maaga akong nagising at habang ginagawa ko ang morning ritual ko ay hindi na maalis ang ngiti  sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit excited akong pumasok.

"Good morning Nay Lorna!"

Masayang bati ko sa kanya.

"Good morning din, hija."

"Si kuya po?"

"Nako, ayun at tulog pa. Late na kase nakauwe kagabi."

"Ahh. Nay, kakain na po ako ha."

"Osige. Kumain kana."

Inabot nya sakin ang kanin at masaya ko naman itong tinanggap.

"Bakit ang aga mo ata?"
Tanong ni Nanay Lorna ng mailagay nya ang isang baso ng tubig sa harap ko.

"Eh Nay, start na kase ng training namin para sa ICAM kaya araw araw ng maaga ang pasok ko."

"Nako, wag kang masyadong mag papagod naman at baka mag kasakit ka."

"Opo Nay."

Nahinto ako sa pag subo ng mapansin ang pagtitig sakin ni Nanay Lorna.

"Bakit po Nay?"

"Wala naman. Abay ngayon ko lang kase nakita na ganyan ka kasaya."

"Nay naman. Im always happy po kaya. Tyaka, maganda kase tulog ko kase nakapag bonding kami nila mom and dad."

"Akala ko naman ay dahil excited kang pumasok."

"Excited din naman po."

Nginitian na lang ako ni Nanay Lorna kaya nag patuloy na lang ako sa pag kain.

Kapag may training kami talagang nagigising ang mga dugo ko.

'Shems! What if makita ko sya?! May practice nga din pala sila?!'

Siguro naman hindi pa sya papasok ngayon diba? Nahampas din ako sa ulo pero mas malala yung sa kanya kase na hospital pa nga sya eh.

Sana naman hindi ko sya makita ngayon. Ayokong masira ang araw ko dahil sa kanya.

Nang makapag paalam na kay Nanay Lorna ay nag drive na rin ako papunta sa school.

"Good morning Miss Astrid."

"Morning."

Bati ko pabalik sa guard at pinasok ko na ang kotse ko tyaka nag park. Huminga muna ako ng malalim tyaka lumabas. Nilibot ko pa ang paningin ko tyaka nag lakad papunta sa usual na pinag paparkan nila Nerdy pero isang motor lang ang nakita ko.

'I knew it! Buti na lang malakas ako kay Lord at hindi nya pinapasok ang babaeng yun!'

Nakangiting nag lakad ako pabalik pero malakas na napatili ako ng pag harap ko ay may batang nakatayo sa hindi kalayuan sa pwesto ko.

"My God! Gusto mo ba kong patayin sa gulat?!"

Inis na sigaw ko sa bata pero seryoso lang syang nakatingin sakin. Napaka dumi ng soot nyang halos sira sira na rin at hindi ko mapigilang kabahan sa mga tingin nya sakin.

"H-hey you! What are you doing here?! Pano ka nakapasok?!"

Pero katulad kanina, hindi nya ko sinagot. Mas lalo akong kinabahan ng humakbang sya palapit sakin.

"Stay there!"

Huminto naman sya sa pag hakbang.

"P-pulubi kaba?! T-teka..."

Tarantang hinanap ko sa bag ko ang wallet ko at ganun na lang ang takot ko ng pag angat ng tingin ko ay wala na yung bata.

'H-hindi kaya... multo ang batang yun?!'

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon