129
*******
CADENCE
"Sabi ko na nandito ka eh."
Pag pasok kase namin ni Brent sa room ni Ash ay hindi ko sya nakita kaya naman naisipan kong pumunta sa garden ng hospital at tama nga ako. Sa ilalim ng malaking puno ay nakaupo lang sya at parang malayo ang tingin."Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko ng maupo sa tabi nya."Nag papahangin."
Tipid na sagot nya."Oo nga pala. Hahaha. Hate mo nga pala ang ospital kaya hindi na dapat ako mag taka."
Tumatawang sabi ko. Pero nailang ako ng bigla syang seryosong tumingin sakin."Masakit paba yang tama mo?"
"H-ha? Ahh... hahaha ito? Wala lang to!"
Mayabang na sabi ko na humawak pa sa pisngi ko. Hindi naman na sya umimik at muling tumingin sa malayo. Late na kaya naman malamig na ang hangin at nakakaaliw tignan ang mga ilaw."Bakit hindi kapa natutulog? May pasok kapa bukas."
Sabi ko na lang dahil pakiramdam ko mabibingi ako sa sobrang tahimik. Nasa likod kase kami ng ospital kaya naman hindi masyadong rinig kahit na ang ingay ng mga dumadating na emergency."Ikaw? Bakit nandito kapa?"
Napairap na lang ako sa kanya.Palagi syang ganito, yung ibabalik yung tanong at ang ending hindi na nya nasagot ang tanong mo.
"Hinatid ko lang si Brent. Gusto nyang bantayan si Ash. Aalis na rin ako maya maya."
Muli na naman syang natahimik kaya naman nag isip na lang ako ng ibang pwedeng pag usapan hanggang sa mapangiti na lang ako.
"Hindi pa ko nag didinner, pwede mo ba kong samahan?"
Nakangiting alok ko pero pumikit lang sya."Busog pa ko."
"Kahit mag coffee ka na lang. You owe me one."
Nakangiting sabi ko habang hinihintay ang sagot nya.
"Please... isa pa may deal tayo, remember?"
Palihim akong napangiti ng tumayo sya."Tara."
"Yes!"
Masayang sabi ko at patakbong sumunod sa kanya. Sabay kaming lumabas ng ospital at huminto sa tapat ng motor nya."Pwede ba kong mag drive?"
Nakangiting tanong ko sa kanya pero nangunot lang ang noo nya.
"Hhaha dont worry marunong pa ko!"Si Leigh kase yung maingat sa lahat ng gamit nya at hanggat maaari ay hindi nya ito pinapagalaw sa iba lalo na kung yung mga bagay na sobrang mahalaga sa kanya.
Sa loob ng dalawang taon na naging kami ay hindi ko man lang nasubukang umangkas sa motor nya. Sabagay, mas madalas kase naming gamit ang kotse ko tuwing may pupuntahan kami.
"Ako nang mag mamaneho. Suotin mo."
Seryosong sabi nya na hinagis sakin ang helmet nya. Nag make face na lang ako tyaka sinoot ito at sumakay. Niyakap ko sa tyan nya ang braso ko at maingat nyang pinatakbo ito.'I miss this.'
Ganitong ganito lang kami noon. Para kaming bampira na nakawala tuwing gabi at kung saan saan pumupunta gamit ang motor na regalo sa kanya ni pappy. Sabi ko nga, parang sya pa yung apo kesa sakin. Nung birthday ni Leigh niregaluhan sya ni Pappy ng motor na hindi nya naman tinanggap pero yun ang madalas naming gamitin tuwing gagala kami sa gabi. Kung saan saan lang kami pumupunta at madalas ay kumakain sa kung saan maisipan.
'I really missed her.'
"Love! Turuan mo ko!"
Pamimilit ko sa kanya pero tinignan nya lang ako ng masama.

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...