LEIGH
Dahil sa nangyare, lahat kami ngayon ay nasa Guidance Office. At habang nag lalakad papunta doon ay nasalubong ko sila Kim.
"Leigh, anong nangyare?! Okay ka lang ba?!"
Nag aalalang tanong ni Kim."Anong meron?! Bakit kasama nyo si Dean?!"
Si Aj."Leigh, okay ka lang ba?"
Si Amya."Tinamaan sa ulo ng tennis ball si Astrid."
Si Jay."Ha?!"
Silang tatlo na gulat na tumingin sakin."Oo.."
"Leigh, bakit mo naman ginawa yun?" Si Kim.
Napataas naman ang kilay ko sa kanya.
"May nakatama kay Astrid ng tennis ball eh nag kataong hawak ni Leigh yung isang raketa kaya ang tinuturo nila si Leigh."
Si Jay."H-hini ikaw?"
Si Kim.Huminto ako at diretso syang tinignan.
"Sa tingin mo ba, ganun ako kaisip bata?"
Seryoso kong tanong sa kanya."H-hindi naman.. akala ko lang kase—"
"Hindi ako ganun ka tanga para palalain ko pa ang sitwasyon."
"S-sorry a—"
Dumeretso na ako sa paglalakad at sumunod sa iba.
'Tss. Parepareho lang kayo. Kapag may nangyare ako agad?! Nakakatawa!'
Pagdating sa Guidance office ay inalalayan si Astrid ng kuya nya. Nakasa likod naman nya sila Zay at Sari. Yung ibang nakikichismis nasa gilid at nasa likod ko naman sila Kim, Aj at Amya.
Kinausap lang ni Dean ang secretary nya at tyaka umupo at tumingin samin.
"Now! Care to explain to me what is happening— what happened to you?!"
Baling ni Dean kay Astrid."T-tinamaan po si Astrid ng tennis ball sa ulo."
"What?!"
"Tinamaan ako sa bandang kilay kaya naman pumutok po ito at dumugo."
"Are you okay now?! Did you go to Hospital?!"
"H-hindi pa po.."
"What?! Brent! Bakit hindi mo sinamahan ang kapatid mo sa hospital?! Talagang inuna nyo pa ang pakikipag away!"
Baling ni Dean kay Brent."G-gusto ko lang namang malaman kung bakit nya ko tinira!"
"And you again?!"
Naturong baling sakin ni Dean. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa pader.
"Why is it always about you?! Tell me, did you hit her by accident or intentionally?!"'Nice. Alam ko na kung kanino sya nag mana. Ni wala ng tanong tanong. Ako agad eh. How nice!'
"I know it is not the right time to blame someone. Tapos na. Nangyare na ang dapat mangyare. May nasaktan na and i guess, nakapag sorry ka naman na siguro?"
Narinig ko ang pag buntong hininga nya. Ramdam ko naman ang pagtitig ng lahat sakin.
"Just tell me.. is it accidentally or intentionally?"
Hindi parin ako sumagot. Ayokong sumagot dahil baka mamisinterpret na naman ang sasabihin ko. Isa pa, ayoko ding mapatalsik ako.
"Astrid.."
"Y-yes dad?"
"Marami na kong naririnig na balita tungkol sa inyong dalawa. Pinalagpas ko ang mga yun dahil akala ko naman simpleng asaran lang ang mga yun!"
![](https://img.wattpad.com/cover/207478663-288-k232139.jpg)
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...