132
*****
ASTRID
Pag karating sa parking lot at pumasok na rin agad ako sa school. Hindi na ko naghintay na tulad ng palagi kong ginagawa.
Dumeretso na agad ako sa loob ng campus.
Dederetso na sana ako sa building namin pero natanaw ko na agad sila Kim at Zay na nakaupo sa circle at mukhang nag uusap ang dalawa.
Hindi ko naman ugaling makinig sa usapan ng iba lalo kapag wala ako sa mood pero hindi ko maiwasang mag taka.
'Nasan si nerdy?!'
Hanggang ngayon naiinis parin ako sa nerd na yun pero dahil ata sa inis na yun mas lalo syang hindi mawala sa isip ko. Bawat minuto o sigundo puro sya lang ang naiisip ko!
'Alam mo bang halos hindi ako makakain ng mabuti! Feeling ko may insomnia na rin ako dahil sayo! May kasalanan ka sakin, nag tatampo ako sayo pero parang wala lang sayo! Bakit ba ang manhid manhid mo?!'
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at umasang sa paggawa nun ay mawala sya sa isip ko tyaka nag lakad palapit sa dalawa.
"Nako! Isa pa yung si Leigh! Hindi ko na nga alam ang gagawin ko dun eh! Para syang gising na wala sa katinuan! Ni hindi nga yun makausap ng maayos eh!"
Napahinto ako sa narinig at agad na napatago sa pader. Hindi naman ako sobrang malayo sa kanila kaya naman rinig na rinig ko ang boses ng maingay na si Kimora.
'H-hindi sya makausap ng maayos?'
Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa na pareho kami ng kondisyon.
Hindi ako umalis sa pag kakatago ko at nanatili lang akong palihim na nakikinig sa kanila.
"Is it because shes affected also about sa nangyare sa kanila ni Ash?"
Tanong ni Zay."Nako! Malamang alamang! Naiintindihan ko naman parehong side pero bakit kailangang may away effect pa! Bakit kase kung kailan ka tinatawagan tyaka patay yang phone mo! Edi sana ikaw ang sumundo sa pinsan mo!"
"Kung sinasagot nya edi sana hindi na kita tinawagan."
Tama. Sinabi nya nga yun sakin pero hindi ko parin matanggap na bakit ako. Pwede namang isakay na lang nila sa taxi diba?! Babae ako tapos hindi man lang nya naisip na delikado na ng ganoong oras!
"Im sorry. Na drained kase yung phone ko kakatawag sayo pero mukhang busy ka kaya hindi mo nasagot."
"Busy talaga! Ang dami kayang costumer nun! Stress na nga yun si Leigh na mag pabalik balik para mag hatid ng orders tapos pinag tripan pa nung pinsan mo!"
'Panong pinag tripan?! Anong ginawa nya?!'
"Why? What did he do?"
"Eh yung kumag mong pinsan pinabalik balik si Leigh sa room nila! Tatawagin kahit minsan wala namang oorderin! Tangna! Ako na nga lang ang natatakot kay Leigh nun eh! Mabuti na lang talaga at mukhang nakakapag timpi yung isa!"
"Im sorry. Ako ng humihingi ng tawad sa nagawa ng pinsan ko."
"Ano kaba! Ayos lang naman yun. Naiintindihan naman namin sya! Baka nga kahit ako yung ma broken hearted mag lalasing talaga ko eh! Pero mukhang may sapak din kase talaga tong si Leighton eh!"
"Why?"
"Eh pano, sabi ko isakay na lang namin sa taxi! Ako na ngang nag volunteer na mag bayad eh! Eh ang kaso mukhang sinaniban ng kabaitan ang babaeng yun, ayun! Sya na daw ang mag hahatid! Ang problema lang ayaw naman nung isa. Gusto daw nyang makausap at makita si Ash!"
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...