LEIGHTON
Linggo na ngayon at next week ay simula na ng ICAM. Para tuloy nag sisisi na ko kung bakit pumayag ako sa gusto ni Dean.
Kahapon ay halos mag hapon akong nasa school dahil sa practice ng Matrix at ng billiard.
"Hoy! Prinsesa! Gising na! Aba alas onse na! Humihinga ka paba dyan?!"
Sigaw mula sa labas pero nanatili akong nakahiga at nakatitig sa kisame. Masyado ng maraming nangyayare sa buhay ko ngayon at hindi ko na nagugustuhan ang lahat. Pakiramdam ko...
Bumangon na ko at nag tungo sa CR.
"Anong ginagawa mo dito?"
Kunot noong tanong ko ng pag baba ay nakita ko si Nixon na nakaupo sa sopa."Ang tagal mo."
Nakangiting sabi nya at lumapit sakin. Hinalikan nya ko sa noo tyaka pinag hila ng upuan."Sagutin mo ang tanong ko."
Seryosong sabi ko na nanatiling nakatayo."Ikaw naman... dumadalaw lang!"
Nakangiti paring sabi nya at ginulo pa ang buhok ko. Tinignan ko pa sya ng masinsin pero nginitian nya lang ako.Naupo na ko tyaka kumain habang sya nakaupo sa harap ko at nakangiting nakatitig sakin.
"Gusto mong tanggalin ko yang mata mo?"
"Hahahahha! Ang sadista mo talaga!"
"Tss."
"Nasan si Kim?"
"Im here! Bakit?"
Biglang sabi ni Kim na naupo sa tabi ni Nixon."Nakausap mona ba si Ced?"
Tanong ko ng hindi sya tinitignan."Oo naman yes! Ano paba?! Pumayag na sya."
"Yung Ced.. sya yung amo nyo diba?"
Singit ni Nixon."Yup! Bakit?"
Si Kim."Saan ba talaga yang trabaho nyo?"
"Bakit?"
Seryosong tanong ko na nag angat ng tingin sa kanya."H-ha? Hehehe. Wala lang.."
"Tss."
Namayani ang saglit na katahimikan sa pagitan naming tatlo. Si Nixon ang bumasag sa katahimikan.
"Nga pala, pwede ba tayong mag lunch sa pad ko?"
"Oo naman Pogi! Ikaw pa! Pero anong okasyon?"
"Wala naman. Mag aayos din kase ako ng bahay, baka gusto nyo kong tulungan."
"Nako! Walang problema! Gusto mo dun nako tumira eh para may tagalinis kana! Hahaha!"
Tumatawang sabi ni Kim."Pwede rin! Dun na lang kayo tumira ni Leigh."
"Nako! Asa ka namang papayag yan!"
"Hahahha edi ikaw na lang!"
"H-ha? A-ako?"
"Diba sabi mo? Hahahah! Babayaran kita!"
"A-ah! Hahahhaha! Oo nga."
"Tss. Bakit hindi na lang kayo mag pakasal? Ng hindi ako ang ginugulo nyo."
Singit ko na ikinatahimik nilang dalawa."B-baliw ka! M-may saltik ka na naman!"
Nauutal na sabi ni Kim."Bakit nauutal ka?"
Nakangising tanong ko."K-kase... kase nakakahiya kay Nixon! Baliw ka talaga!"
"Hahaha! Ayos lang. Wala naman sakin yun."
Si Nixon.

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...