153
**********
LEIGHTON
"Young lady—"
Tinignan ko lang ng masama ang butler kaya naman napatungo lang ito.
Nag tuloy tuloy ako sa pag labas ng mansyon at ng makalabas ay tyaka lamang ako nakahinga ng maluwag.
Inis na kumuha ako ng sigarilyo tyaka ito sinindihan.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon ko. Noon pa man pinapahiya na ko ni Celeste at hindi lang si Chairman Bryleighn ang nag pamukha sakin kung anong klaseng tao ang mga magulang ko pero bakit ganito ako?! Bakit ganito ako kaapektado?!
Hindi na bago sakin ang sabihing traydor ang tatay ko at sindikato ang nanay ko pero nung banggitin yun kanina ni Chairman Bryleighn hindi ko napigilan ang sarili ko. At kung hindi ko pa siguro nakita ang gulat na ekspresyon ni Abo...
'Baka hindi ako nakapag pigil talaga.'
"What was that?!"
Hindi na ko nag abala pang lumingon at tinuon ang atensyon sa sigarilyo ko pero inis na hinblot nya lang to sakin at tyaka tinapon.
"What do you think your doing?! Talaga bang wala ka ng natitirang kahihiyan dyan sa sarili mo?!"
Galit na sigaw nya na dinuro pa ko."Ginawa mo kong ganito, ano pang aasahan mo?"
Walang buhay na sabi ko sa kanya."So now your blaming me?! Tinuruan kitang maging malakas, maging matatag at maging matapang pero kahit kailan hindi ko tinuro sayo ang maging ganito kabastos Leighton!"
"Kayo ang unang bumastos sakin, hindi ako."
"Ano na bang nangyayare sayo?! Bakit kailangan mo pang ipahiya si Chairman ng ganun?! Pinahiya mo na rin ang pamilya namin dahil sa ginawa mo!"
"Great."
Sarkastikong sabi ko.
"So ang ipahiya ako ayos lang, ganun ba yun? Ha Celeste?"Hindi naman sya nakaimik sa sinabi ko at bahagya pa syang napaiwas ng tingin.
Madiing kinuyom ko ang kamao ko dahil sa pag pipigil ng matinding emosyong namumuo sa dibdib ko.
"Ano ba talagang galit meron ka sakin para pag aksayahan mo pa ko ng buong oras mo? Pumunta ka pa dito sa Pinas, pinahanap nyo pa ko, hindi ka pa nakuntento at pati yung mga taong nasa paligid ko dinadamay mo. Ganun mo ba ko kaayaw? Ganun kaba kagalit sakin? Eh kung ganun naman pala bakit binuhay mo pa ko? Para ba magkaron ng paglalaruan?"
"Ha! You think na ganun ka lang samin?! Sa tingin mo kung wala kaming pakielam sayo sasayangin namin ang buhay at oras namin para sayo?! Lahat ng to ginagawa namin para sayo Leighton!"
Hindi ko maiwasang matawa sa mga sinabi nya.
"Wag na tayong mag lokohan... pareho lang tayong may sungay dito, nag kataon lang na mas mahaba yung sayo at sa tingin ko humahaba pa yan dahil sa mga kasinungalingan mo."
"How dare you!"
"How dare you too!"
Inis na sigaw ko sa kanya na ikinatigil nya.Noon pa man hindi na kami mag kasundo, noon pa man ganito na ko makipag usap sa kanya, sarkastiko, pilosopo o kaya naman walang buhay pero kahit kailan hindi ko sya sinigawan.
'Pero inubos nya na ang pasensyang meron ako para sa kanya.'
"Sino kaba sa tingin mo para ganituhin ang buhay ko?! Buong buhay ko naging tanga ako sa pagsunod sa mga gusto nyo! Kung gusto nyong patayin ko ang sarili ko gagawin ko! Kung gusto nyo kong pumatay, papatay ako!... lahat ginawa ko... hindi dahil gusto kong mag makaawa sa atensyon o sa pangalang meron kayo pero para sa konting respeto! Gusto nyo respetuhin ko kayo pero paulit ulit nyo kong binibigyan ng rason para bastusin kayo! Alam ko kung ano ako, alam ko kung saan ako lulugar at ayos lang na ipamukha nyo yun sakin, pero yung paulit ulit na at sa harap pa ng taong mahal ko, sa tingin ko sobra sobra na."
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...