158
***********
BRENT
Pakiramdam ko namanhid ang pisngi kong yun. Parang naalog din ang utak ko sa sobrang lakas ng sampal na yun sakin ni Chairman.
Alam ko ang mali ko at tanggap ko yun kaya naman napatungo na lang ako.
"Anong pumasok sa kokote nyo at nagawa nyo ang bagay na yan?! Para kayong walang pinag aralan! Naturingang matatalino pero daig pa ang mga tanga!"
Nainsulto ako sa sinabi ni Chairman pero hinayaan ko na lang ang sarili kong tanggapin ang mga insultong yun."Excuse me Chairman Bryleighn pero sa tingin ko hindi tamang dito nyo pag usapan ang bagay na yan."
Nag angat ako ng tingin at si Chairman Kellen ang nag salita."Sumunod kayo sakin!"
Galit na sabi ni Chairman."Yes Chairman."
Mahinang sagot ko na lang.Galit na tinignan muna ako ni Chairman bago nag martsa paalis.
"Kuya..."
Tinignan ko naman si Dry at ngumiti sa kanya.Wala akong mapulot na salitang ibibigay sa kanila kaya naman bumaling na lang ako sa kay tita Mae pero hindi ko rin natagalan ang mga tingin nya.
Nakita ko pa ang pag lapit nila Miss Alianna kila Leighton bago kami tuluyang sumunod kay Chairman.
Alam kong galit na galit sya ngayon at alam kong hindi nila matatanggap agad to pero anong gagawin ko?! Nangyare na ang nangyare!
Aaminin ko, natatakot din ako lalo pat malaki ang expectations sakin ng pamilya namin pero hindi ko namn puwedeng talikuran si Cadence.
Napatingin ako sa kanya at bakas ang matinding kaba sa mukha nya. Gusto kong iparamdam sa kanyang magiging maayos lang ang lahat kaya naman hinawakan ko sya sa balikat kaya agad na napalingon sya sakin. Binigyan ko sya ng isang tipid na ngiti pero alam kong hindi yun makakatulong sa sitwasyon namin ngayon.
"Kelan pa yan?!"
Yan agad ang bumungad samin ng makapasok kami sa isang kuwarto.Nandito kami nila Dry, Cadence at si tita Mae. Apat lang kaming nandito pero pakiramdam ko napakasikip ng kuwarto at hindi ako makahinga.
"O-one month na po."
Nauutal na sagot ni Cadence.Kahit ako... wala akong ideya na buntis sya. Akala ko mali lang ako ng inakala sa mga napansing sintomas sa kanya... sa sobrang daming nangyare nawala sa isip ko ang bagay na to.
'Im such a jerk!'
"And you didnt even told me?!"
Galit na sabi ni tita Mae."I-im sorry mom... n-natakot lang ako... n-natakot ako na baka magalit kayo kapag nalaman nyo kaya nahihirapan akong sabihin sa inyo."
Naluluhang sabi ni Cadence."Anong gusto nyong gawin pala namin?! Icongratulate pa kayo sa katangahan nyo?!"
Galit na sigaw ni Chairman.Pare pareho naming hindi nagustuhan ang sinabi ni Chairman at maging si Tita Mae halatang nainsulto pero pare pareho din kaming walang magawa kundi makinig na lang.
"Nag kulang ba kami sa mga pangaral namin sa inyo?! Anong pumasok sa isip nyo at gumawa kayo ng bagay na ikasisira ng buhay nyo?! Napakasimple ng hinihiling namin at yun ay ang makapag tapos kayo tapos ganito?! Para kayong makukulangan sa panahon! Para kayong mauubusan ang araw kung mag desisyon! Palagi kayong nag mamadali! Sige nga! Pano nyo bubuhayin ang batang yan?! Ni wala pa nga kayong tinatapos, paano kayo mag hahanap ng trabaho sa lagay nyong yan?!"
Napatungo na lang ako sa mga sinabi ni Chairman. Gusto kong ipag tanggol ang sarili ko at si Cadence pero nabablangko ang isip ko.
"P-pananagutan ko po si Cadence."
Nasabi ko na lang pero nakarinig ako ng nang iinsultong tawa mula kay Chairman.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Jugendliteratur"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...