074

1.8K 77 1
                                    

LEIGH

Nang makaalis si Astrid ay hindi na rin ako nakaramdam ng antok kaya lumapit na lang ako kay Kim. Ayoko ng isipin yung nangyare kahapon dahil baka mabuhay na naman ang galit sa dibdib ko. Baka pati si Nixon masapak ko pa. Puro kontra ang dami ko na ngang iniisip.

"Hindi kaba mag papractice?"
Biglang tanong ni Nixon habang inaayos ang pagkaing binili sa lamesa.

"Hindi na. Alam kong may pasok ka mamaya kaya ako na lang mag babantay."
Sagot ko habang nakatingin parin kay Kim.

"Sa tingin mo pano natin sasabihin sa parents nya ang nangyare?"
Biglang tanong nya.

"Hindi ko rin alam."

'Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa mommy nya ang nangyare.'

Hindi alam ng parents ni Kim na magkasama kami. Kahit wala naman silang problema sakin alam kong iisipin nilang dahil sakin kaya napahamak ang anak nila.

'Bakit kase pinayagan nilang mag sarili ang babaeng to eh napaka isip bata nito?'

Nasa Surigao ngayon ang parents nya at abala sila sa business nila. Pero hindi pwedeng hintayin ko muna na maging okay sya bago sabihin.

"Mukhang kailangan ko ng sabihin sa kanila."
Seryosong sabi ko.

"Mabuti naman at yan din ang naiisip mo. Kahapon ko pa gustong isuggest yan sayo pero ayoko namang mapressure ka."
Seryosong sagot ni Nixon.

"Kahit naman itago namin, alam kong makakarating din ang nangyare sa kanya. Bahala na kung anong isipin nila lalo na at magkasama kami."

"Pinasok nyo yan eh. Panindigan nyo."
Parang nangangaral na sabi nya. Hindi ko naman sya sinagot at muling tumingin na lang kay Kim.

Kung pakikipagbasag ulo lang kaya kong desisyunang mag isa pero kapag ganitong bagay hindi ko alam.

"Kumain ka muna."
Si Nixon.

"Mamaya na. Tatawagan ko muna sila."

"Kakausapin mo na sila?"

"Mm."

"Heres my phone."

"Ito na lang kay Kim."

"Okay."

Hinanap ko ang number ng daddy ni Kim at tyaka dinial.

"Oh, hello anak!"
Masayang bati ng daddy ni Kim.

Napatingin ako kay Nixon na tumingin din sakin.

"Si Leighton ho ito."

"Leighton?! Yung anak ni Celeste?!"

"Oho."

"Aba! Ngayon na lang ulit kita nakausap ah! Kamusta kana?! Mag kasama ba kayo ni Kim?! Nako siguro sobrang saya ng batang yan at nakasama ka ulit—"

"Tungkol ho kay Kim.."
Pag singit ko sa kanya.

"Anong tungkol kay Kim?"

"Naaksidente ho sya."

"Ano?!"

"Naakidente ho sya."
Pag uulit ko.

"Anong aksidente?! Bakit?!"

"May pumalo ho ng baseball bat sa ulo nya. Nasa hospital po kami ngayon."

"What?! Anong hospital?! At bakit sya pinalo?! Ano bang nangyare?!"
Sunod sunod na tanong nya.

"Nasa Zaire Hospital ho kami."
Yun na lang ang sinabi ko dahil malamang mahihirapan lang akong ikuwento sa kanya ang lahat. Siguro pag dating na lang nila.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon