LEIGH
"Sa tingin mo talaga dapat paalisin ko na sila?"
Tanong ni Ced na tila nag aalala. Kanina nya pa ko kinukulit tungkol sa pag dating ng grupo nila Astrid. Mabuti na lang at nandito ako ngayon nakaassign sa second bar counter kundi nakita na ko ng mga yun.Wala naman talaga akong paki kahit makita nila ko ang problema lang baka gamitin sakin ng abong yun ang trabaho kong to para pag initan na naman ako at ang malala, posibleng matuluyan na ang expulsion ko dahil hindi pwedeng mag trabaho ang isang high school student and worst sa bar pa ko nag tatrabaho.
Kakaiba din talaga ang utak meron ang babaeng yun dahil tago ang bar na to pero nakapunta parin sya. Sound proof din kaya kahit anong lakas ng sound, hindi ito maririnig sa labas kaya nga nag taka ako ng sabihin ni Ced na nandito si Abo.
"Huy! Leigh! Tulungan mo naman akong mag decide!"
Tawag sakin ni Ced pero tinignan ko lang sya. Inabot ko muna ang kakatapos ko lang na ishake na drink at nakangiting inabot ito sa babaeng costumer."Binigyan mo na ng alak eh. Ano pang magagawa ko?"
Seryosong sabi ko sa kanya at tyaka sya tinalikuran para linisin ang ginamit ko sa pag hahalo ng drinks. Lima kami ditong bartender kaya kahit sandaling tumigil ako ay ayos lang. Habang pinupunasan ang baso ay hindi ko maiwasang mapatingin sa taas.'Tss. Hindi nag iisip. Ano namang tingin nya sa alak, gamot?'
"Dadating daw yung mga kaibigan nya."
Maya maya ay sabi ni Ced kaya muli akong napatingin sa basong hawak ko.
"Minor din yun, for sure!! Nako yare talaga ko nito!!"
Pag hihisterikal nya.Kahit ako ay nag tataka kung pano sya nakapasok. Kailangan kase munang mag present ng ID para makita kung legal age na ang papasok. Siguro nag kataon na wala yung bantay.
"Humanda talaga sakin bukas yang si Troy! Nalusutan ng isang mataray na bruha!"
Reklamo nya pa."Bakit kase binigyan mo ng alak. Sana pinalabas mo na agad."
Sabi ko na hindi pinansin kahit sya pa ang boss ko."Bakla! Anong magagawa ko?! Binantaan ako ng babaeng yun. Isa daw syang Bryleighn! My God! Alam mo ba kung gano sila kayaman?! Kilala ang pamilya nya at alam kong pwede nyang totohanin ang sinabi nya!"
"Tss. Edi wag kang mag reklamo. Ginusto mo yan eh."
"Alam mo? Hindi ka man lang makatulong! Asar ka!"
Hindi na lang ako umimik at tinuon na lang ang atensyon ko sa customer na kararating lang. Hindi din namin masisisi si Troy. Sya ang bouncer namin pero masyado kaseng maraming costumer ngayon at malamang hindi na nya napansin ang babaeng yun. Hindi naman madaling pag kamalang high school palang si Abo dahil matangkad talaga sya.
Lumipas pa ang ilang minuto at narinig ko kay Nika, isang waitress na dumating na daw ang mga kaibigan ni Abo. Hindi na ko nakialam pa sa kanila dahil maliban sa labas na ko sa kanila ay masyado na kong maraming costumer para intindihin pa sya. Habang lumalalim ang gabi ay lumalalim na rin ang tama ng alak sa mga costumer. Hindi allowed ang anumang kalaswaan dito sa bar kaya naman kapag may ilan na sapilitan na naming pinapaalis.
"Umuwi na ba?"
Hindi ko na pigilang itanong ng lumapit si Ced sakin. Naupo sya sa harap ko at agad na inabutan ko sya ng alak na paborito nya."Hindi pa. Lasing na lasing na yung kapatid nung lalaking nag hanap sayo. Yung mga kasama naman nya mukhang wala namang tama."
Sabi nya tyaka sumimsim sa baso nya.
"Siguro naman hindi ako mag kakaproblema."Lumipas pa ang ilang oras at tulad ng nakasanayan na, habang lumalalim ang gabi ay mas lalong dumadami ang costumer kaya naman minsan ay tumutulong na rin ako sa pag dala ng mga orders. Papalit palit lang ang ginagawa ko at madalas ay hindi ko na nababalikan ang puwesto ko sa bar counter dahil mas marami ang umiinom sa sarili nilang table.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...