LEIGH
"Good job everyone."
Pumapalakpak pang sabi ni Dianne matapos ang ilang oras naming practice ng sayaw.
"Bukas ulit ha."
Tumango lang ako at nag palit na ng damit tyaka umalis. Dumaan muna ako ng cafeteria para bumili ng tubig.
"Ang baho naman. Amoy pawis ng squatter"
Pag paparinig ng isang babae sa likuran ko na nasundan ng tawanan. Bumuntong hininga na lang ako at hindi na lang sila pinansin. Kasalanan ko rin naman. Matapos kaseng mag palit ay hindi ko muna inayos ang sarili ko. Nakapony parin ang buhok ko at may iilang naka bagsak na sa mukha ko at medyo pawisan parin.
Agad ko namang kinuha ang card ko at humakbang na palayo pero anak ka nga naman ng malas, sa dami ng pwedeng makasalubong, sila pa. Hindi ko na lang sana sila papansinin pero si abo na ang mismong humarang sa harap ko.
"Oh my god. Whats with that face? Mukha kang ewan"
At nag tawanan naman lahat ng nakarinig.
Hindi ko sya sinagot at nakita ko ang pag tingin nya sa gilid ko. Ano na naman kayang balak nito.
Naka cross arm syang lumapit sakin at bumulong.
"Mukhang kailangan mo munang mag palamig. Pinag papawisan ka eh."
Bago pa ako makapag react ay mabilis nyang binuhos sakin ang isang baso nang malamig na tubig.
"Ash!"
Gulat na sabi ni Zay. Pati si Sari ay napa oh my gosh na lang sa gulat.
Hindi ko naman magawang kumibo. Hindi dahil sa lamig o sa hiya. Kundi dahil sa pag pipigil ng inis. Lumabo na ang paningin ko dahil sa pag agos ng tubig sa salamin ko pero wala akong ibang ginawa kundi ang yumuko.
"Here. Diba, mas fresh ka ng tignan"
Nakangiti at tila nangaasar na sabi ni Abo.
"Ash."
Pero hindi pinansin ni Abo si Zay.
"Quits na tayo. Remember, binato mo lang naman ako ng plastic bottle."
Nakataas ang kilay na sabi nya.
"Be thankful at ganyan lang ang ginawa ko. Besides tinulungan lang din kita dahil mukhang naligo ka na rin naman sa pawis. Next time kase, wag kang haharang sa daraanan ko baka hindi na ko makapag pigil at samain kana sakin."
Masama ang mga tinging binitawan nya sakin na para bang may malaki akong kasalanan na nagawa sa kanya. Napangisi na lang ako at saka sila tinalikuran. Pagod ako kaya kapag hindi pa ako umalis ay sya na ang sasamain sakin.
Wala na kong pake kung nag mukha na akong basang sisiw. Nagulat pa nga ang mga kaibigan ko ng makarating ako ng school na ganun ang itsura ko.
"Anyare sayo te?"
Gulat na tanong ni Jay.
"Bakit para kang basang sisiw, eh tirik na tirik ang araw?"
Kunot noong tanong ni Aj.
Hindi ko sila pinansin dahil mas naagaw ni Kim ang atensyon ko.
"Nasan ang gamit mo?"
Aish. Sa sobrang inis ko nakalimutan ko ng daanan sa locker ang mga gamit ko.
"Tss. Kukunin ko lang ang gamit ko."
"Bilisan mo ha, dadating na si Miss"
Nag aalalang sabi ni Amya. Tinanguan ko lang sya at saka nag lakad na palabas. Pero mukhang sinusundan talaga ako ng malas dahil malas pa ang makakasalubong ko.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...